Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian looks for new batch of college scholars from Valenzuela

Enrollment na naman. Marami na namang magulang ang nagagahol sa paghahanap ng pambayad sa matrikula para sa pasukan.

 

Kung wala ka pa ring pang-enroll, hindi naman kailangang pahintuin ang iyong anak lalo na’t kung nasa kolehiyo na siya. Sa mga scholarship program ni Valenzuela City Congressman Win Gatchalian, may makukuha kang financial assistance.

 

Sa ilalim ng Student Financial Assistance Program (StuFAP) ni Gatchalian, mabibigyan ng pang-matrikula ang mga qualified college student na naninirahan sa Valenzuela City kahit na sila ay nag-aaral sa mga paaralan sa Metro Manila.

 

Pwede kang mag-apply para sa StuFAP, kung ikaw ay:

 

  1. Galing sa isang mahirap na pamilya.

 

  1. Naninirahan sa unang distrito ng Valenzuela City.

 

  1. Naka-enroll sa mga paaralan, state university or college, maging mga private school basta nasa loob ng Metro Manila.

 

  1. Walang bagsak na grade ang bagong aplikante. Para sa mga incoming second, third, o fourth year student, kailangan na nai-maintain nila ang 2.5 General Weighted Average noong huling semester.

 

  1. Mayroong good moral standing sa paaralang pinapasukan.

 

  1. Kumukuha ng isa sa mga priority course ng inilista ng Commission of Higher Education o CHED.

 

Para ganap na makapag-apply, sundin lamang ang mga ito:

Photo by Camille Nepomuceno
  1. Kumuha ng StuFAP application form sa Win Action Center sa 332 MacArthur Highway, Malinta, Valenzuela City.

 

Photo by Camille Nepomuceno

 

  1. Sagutan ang application form.
Photo by Camille Nepomuceno

 

  1. Siguraduhing nakahanda ang mga sumusunod na dokumento:

 

  1. 1 piraso ng 2 x 2 ID picture
  2. Certificate of Good Moral Character
  3. Latest Income Tax Return o Certificate of Tax Exemption para sa magulang or guardian ng aplikante
  4. Kung walang Income Tax Return o Certificate of Tax Exemption, ipasa ang Certification of Indigency na magpapatunay na residente ang aplikante sa Valenzuela City
  5. Kung ang magulang o guardian ng aplikante ay nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Worker o seafarers sa labas ng bansa, ipasa ang latest copy of Contract o Proof of Income
  6. Para sa mga incoming first year college student, ipasa ang certified true copy of Form 137 o tinatawag na Student’s Permanent Record
  7. Para sa mga incoming second, third, and fourth year college student, ipasa ang certified true copy of Certificate of Grades noong nakaraang semester
  8. Para sa mga Alternative Learning System graduate, ipasa ang Accreditation and Equivalency Test Passer Certificate o Philippine Educational Placement Test o Certificate of Advancing To The Next Level kasama ang grades sa report card

 

  1. Ipasa ang application form at ang mga dokumentong naaangkop sa aplikante kay Charie Caparas sa tanggapan ni Congressman Win Gatchalian.

 

Photo by Camille Nepomuceno

 

  1. Maghintay ng tawag tungkol sa status ng scholarship application.

 

Tandaan na CHED ang siyang mag-aassess ng mga scholarship application. Ang matatanggap na scholar ay maaring makakatanggap ng pinakamataas na financial assistance na aabot sa P6,000.