Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Leads Ad-Hoc Panel to Fast-track Nat’l Contingency Plan Vs Middle East Crisis Impact 

Designated to lead the Ad Hoc Committee, Senator Win Gatchalian underscored the urgent need for a clear, coordinated, and comprehensive contingency plan to shield the country from the economic fallout of the Middle East conflict.

In exercising its constitutional oversight, the Senate ad-hoc committee will proactively tackle the country’s key challenges: the safety and security of our overseas workers, including seafarers; skyrocketing oil prices and supply disruptions; the threat of severe inflation; destabilized transportation systems; and the overall vulnerability of the local economy.

“Nais nating mapagaan ang mabigat na dinadala ng ating mga kababayan. We embrace the challenge posed by this committee at this crucial time, and we are committed to ensuring that all assistance and mitigation measures will be not only sufficient but also sustained,” said Gatchalian after the Senate adopted Resolution No. 350, which called for the creation of the body.

Named as Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT), the committee aims to implement a whole-of-government approach, ensuring seamless coordination among stakeholders, aligned priorities, and effective execution. It shall submit a report to the Senate as a body containing its observations and recommendations and furnish a copy to the Chief Executive for appropriate action. 


Gatchalian Bilang Chairman ng Ad-Hoc Panel: Pabilisin ang Nat’l Contingency Plan Laban sa Epekto ng Krisis sa Gitnang Silangan 

Itinalaga upang pamunuan ang ad hoc committee, binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian ang agarang pangangailangan para sa isang malinaw at komprehensibong contingency plan upang protektahan ang bansa mula sa pinsalang pang-ekonomiya na dulot ng sigalot sa Gitnang Silangan. 

Sa pagtupad ng constitutional oversight nito, aktibong tutugunan ng Senate ad-hoc committee ang mga pangunahing hamon ng bansa: ang kaligtasan at seguridad ng ating overseas workers, kabilang ang mga seafarer; ang mabilis na pagtaas ng presyo ng langis at pagkagambala sa suplay nito; ang banta ng matinding inflation; ang naantalang sistema ng transportasyon; at ang pangkalahatang kahinaan ng lokal na ekonomiya.

“Nais nating mapagaan ang mabigat na dinadala ng ating mga kababayan. Tinatanggap natin ang hamon ng komiteng ito sa gitna ng mahalagang panahong ito, at nakatuon tayo sa pagtiyak na ang lahat ng tulong at mga hakbang sa mitigasyon ay hindi lamang magiging sapat kundi tuloy-tuloy,” ani Gatchalian matapos aprubahan ng Senado ang Resolution No. 350, na nananawagan para sa pagbuo ng naturang komite. 

Pinangalanang Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT), layon ng komite na ipatupad ang isang whole-of-government approach upang matiyak ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga stakeholder, magkakatugmang prayoridad, at epektibong pagpapatupad. Inaasahang magpapasa ang komite ng ulat sa Senado na naglalaman ng mga obserbasyon at rekomendasyon nito, at magbibigay rin ng kopya sa Punong Ehekutibo para sa nararapat na aksyon.

 ###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN