Senate President Win Gatchalian said enacting a proposed measure to institutionalize support for returning overseas Filipino workers (OFWs) would help ensure their reintegration, noting that sudden global crises require a proactive government response.
“Given continuing tensions in the Middle East and global economic headwinds, we need to ensure that returning OFWs are not neglected and are provided the necessary safety nets,” said Gatchalian as the Senate approved, on third and final reading, Senate Bill 2423, or the Bagong Balikbayan Manggagawa Act.
Co-authored by Gatchalian, the measure establishes a comprehensive, sustainable reintegration program covering the economic, social, and psychological needs of returnees.
Instead of a one-size-fits-all approach, the bill tailors assistance to match individual skills by connecting workers to local jobs, agribusiness, and entrepreneurship opportunities.
The measure also mandates the development of financial literacy programs for returning OFWs to help them and their families achieve long-term stability.
Gatchalian: Gawing institusyonal ang mga safety net para sa mga nagbabalik na OFW upang masiguro ang reintegration
Sinabi ni Senate President Win Gatchalian na ang pagsasabatas ng iminungkahing panukala upang gawing institusyonal na ang suporta para sa mga nagbabalik na overseas Filipino worker (OFW) ay makatutulong upang matiyak ang kanilang reintegration, at binigyang-diin na ang mga biglaang krisis sa buong mundo ay nangangailangan ng maagap na tugon mula sa pamahalaan.
“Dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East at mga hamon sa pandaigdigang ekonomiya, kailangan nating tiyakin na hindi mapababayaan ang mga nagbabalik na OFW at mabibigyan sila ng mga kinakailangang safety net,” ani Gatchalian matapos aprubahan ng Senado, sa ikatlo at huling pagbasa, ang Senate Bill 2423, o ang Bagong Balikbayan Manggagawa Act.
Inakdaan kasama si Gatchalian, ang naturang panukala, ay naglalayong magtatag ng isang komprehensibong reintegration program na sumasaklaw sa mga pangangailangang pang-ekonomiya, panlipunan, at sikolohikal ng mga nagbabalik na OFWs.
Sa halip na iisang paraan lamang para sa lahat, itutugma ng panukalang batas ang tulong batay sa kakayahan ng bawat indibidwal sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanila sa mga lokal na trabaho, agribusiness, at mga oportunidad sa pangkabuhayan o entrepreneurship.
Inaatasan din ng panukala ang pagbuo ng mga programa para sa financial literacy para sa mga nagbabalik na OFW upang matulungan sila at ang kanilang mga pamilya na makamit ang pangmatagalang katatagan.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN