Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: Institutionalize Automatic Inflation-Triggered Funding to Shield Vulnerable Families From Rising Costs

Senator Win Gatchalian urged Congress to institutionalize automatic, inflation-triggered funding for social assistance programs once prices reach critical levels, to protect vulnerable families from bearing the brunt of rising costs for food, transport, and utilities driven by the Middle East conflict.

The proposal is one of the recommendations of the Senate PROTECT Committee to Malacañang. 

Under the proposed setup, existing beneficiaries, such as those under the 4Ps, would automatically receive a three-month cash top-up if any of these triggers are met: headline inflation exceeds 4%; food inflation surpasses 5%; transport or fuel-driven inflation pushes overall inflation up by at least 1 percentage point in a month; or fuel prices surge by at least P10 per liter within a month. 

Gatchalian, who chairs both the PROTECT and Finance Committees, said the mechanism ensures that once these thresholds are breached, beneficiaries can immediately receive additional monthly cash grants for a fixed period without the need to wait for a new program or approval. 

The PROTECT report estimates poor households could lose up to ₱1,151 in monthly purchasing power. While higher-income families may lose more in absolute terms, low-income households are hit harder, often cutting food intake, delaying school expenses, or reducing health spending.


Gatchalian: Isulong ang ‘Automatic Inflation-Triggered Funding’ Kontra Pagtaas ng Bilihin 

Hinikayat ni Senador Win Gatchalian ang Kongreso na gawing institusyonal ang isang “automatic inflation-triggered funding” para sa social assistance programs kapag umabot sa kritikal na antas ang presyo ng mga bilihin, pamasahe, at utilities tulad ng kuryente at tubig. 

Ang panukalang ito ay isa sa mga rekomendasyon ng Senate PROTECT Committee sa Malacañang upang protektahan ang mga tinatawag na vulnerable families mula sa matinding epekto ng sigalot sa Gitnang Silangan.

Sa ilalim ng iminumungkahing sistema, ang mga kasalukuyang benepisyaryo — gaya ng mga nasa ilalim ng 4Ps — ay awtomatikong makatatanggap sa loob ng tatlong buwang ng karagdagang cash top-up kapag natugunan ang alinman sa mga sumusunod na triggers: ang headline inflation ay lumampas sa 4%, ang food inflation ay humigit sa 5%, ang inflation sa transportasyon o krudo ay nagtulak sa pangkalahatang inflation nang hindi bababa sa 1 percentage point sa loob ng isang buwan, o ang presyo ng krudo ay tumaas ng ₱10 kada litro sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Gatchalian, na siyang namumuno ng parehong PROTECT at Finance Committees, tinitiyak ng naturang mekanismo na kapag umabot na sa mga nabanggit na triggers, agad na makakatanggap ng dagdag na buwanang ayuda ang mga benepisyaryo sa loob ng nakatakdang panahon nang hindi na kailangang maghintay pa ng bagong programa o ano pang pag-apruba.

Batay sa ulat ng PROTECT, tinatayang mawawalan ang mga tinaguriang poor households ng hanggang ₱1,151 sa kanilang buwanang purchasing power. Bagama’t mas malaki ang nawawala sa mga mayayamang pamilya kung tutuusin, mas matindi ang tama sa mga pamilyang may mababang kita na kadalasan ay napipilitang bawasan ang budget para sa pagkain o kaya ay  ipagpaliban ang edukasyon ng mga anak o magtipid sa pangangalagang pangkalusugan.

 ###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN