Senator Win Gatchalian flagged that despite the ban imposed by the Anti-Hazing Act of 2018 (Republic Act No. 11053), hazing incidents persist and continue to be reported every year.
Gatchalian’s remarks followed the death of 19-year-old maritime student Kenneth Alcedo who died from injuries sustained during an alleged hazing rite. Some members of the Tau Gamma Phi, the fraternity linked to Alcedo’s death, have surrendered.
Since hazing incidents persist, Gatchalian is seeking an inquiry into the law’s implementation. For Gatchalian, one of the anti-hazing law’s co-authors and co-sponsors, the inquiry should also look at the persistence of hazing in government institutions, including the Philippine National Police Academy (PNPA) and the Philippine Military Academy.
“Nakakalungkot isiping nangyayari ang hazing sa loob mismo ng sarili nating mga government institutions na dapat nagsisilbing mabuting halimbawa. Kung ang sarili nating mga institusyon ay lumalabag sa sarili nating batas, malaki ang ating problema,” said Gatchalian.
“I think this time we should also focus on our own government institutions. Hindi dapat nangyayari ito sa mga institusyong pinagkatiwalaan nating ipatupad ang batas laban sa hazing,” Gatchalian added.
Pagpapatuloy ng mga Insidente ng Hazing Pinuna ni Gatchalian sa Kabila ng Mahigpit na Batas
Pinuna ni Senador Win Gatchalian ang tuloy-tuloy na mga insidente ng hazing kada taon sa kabila ng pagkakaroon ng batas na mahigpit na nagbabawal dito — ang Anti-Hazing Act of 2018 (Republic Act No. 11053).
Kasunod ito ng pagkamatay ng 19-taong gulang na maritime student na si Kenneth Alcedo matapos ang mga natamong sugat sa isang insidente umano ng hazing. May ilan nang kasapi na Tau Gamma Phi, ang fraternity na naiuugnay sa pagkamatay ni Alcedo, ang sumuko na sa mga awtoridad.
Dahil sa pagpapatuloy ng mga insidente ng hazing, isinusulong ni Gatchalian ang pagrepaso sa pagpapatupad ng batas. Aniya, mahalaga ring tignan ang pagkakaroon ng mga insidente ng hazing sa mga institusyon ng gobyerno tulad ng Philippine National Police Academy (PNPA) at ng Philippine Military Academy (PMA).
“Nakakalungkot isiping nangyayari ang hazing sa loob mismo ng sarili nating mga government institutions na dapat ay nagsisilbing mabuting halimbawa. Kung ang sarili nating mga institusyon ay lumalabag sa sarili nating batas, malaki ang ating problema,” ani Gatchalian.
“Tingin ko kailangan din nating tutukan ang ating mga institusyon sa gobyerno. Hindi dapat nangyayari ito sa mga institusyong pinagkatiwalaan nating ipatupad ang batas laban sa hazing,” dagdag ng senador.
###
