Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Flags High Number of Underage Filipino Social Media Users 

Despite Facebook’s minimum age requirement of at least 13 years old for its users, a high percentage of underage Filipino users continue to access the platform, Senate President Win Gatchalian flagged. 

Citing data from the Philippine Statistics Authority (PSA), Gatchalian pointed out that 87.64% of Filipino internet users aged 12 have a social media account, while 80.76% of those aged 11 are social media users. Among 10-year old Filipino internet users, 72.86% have social media accounts, while 93.72% of internet users aged 13 are social media users. 

“Alam natin na maraming naidudulot na kabutihan ang teknolohiya. Ngunit may kaakibat din itong mga negatibong epekto sa ating mga kabataan, lalo na kung ang paggamit ng mga gadget at iba pang teknolohiya ay hindi namomonitor at hindi nabibigyan ng wastong gabay,” Gatchalian said during a hearing of the Senate Committee on Basic Education. 

The Senate leader previously filed the Social Media Safety for Children Act (Senate Bill No. 2066), which seeks to ban social media use for minors under 16. Gatchalian also filed the Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill No. 627) to prohibit the use of smartphones and other electronic devices during class hours in public and private schools.


Mataas na Bilang ng Social Media Users na Wala sa Tamang Edad Pinuna ni Gatchalian

Sa kabila ng minimum age requirement ng Facebook na hindi dapat bababa sa 13 taong gulang ang mga gumagamit nito, patuloy na nakagagamit ng social media platform ang mataas na porsyento ng mga menor de edad na Pilipino, puna ni Senate President Win Gatchalian.

Gamit ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) bilang batayan, binigyang-diin ni Gatchalian na 87.64% ng mga 12 taong gulang na Filipino internet users ang may social media account, habang 80.76% ng mga 11 taong gulang ang gumagamit ng social media. Sa mga 10 taong gulang na internet users, 72.86% ang may social media account, samantalang umabot naman sa 93.72% ng mga 13 taong gulang na internet users ang gumagamit ng social media.

“Alam natin na maraming naidudulot na kabutihan ang teknolohiya. Ngunit may kaakibat din itong mga negatibong epekto sa ating mga kabataan, lalo na kung ang paggamit ng mga gadget at iba pang teknolohiya ay hindi namomonitor at hindi nabibigyan ng wastong gabay,” pahayag ni Gatchalian sa isang nakaraang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education.

Nauna nang inihain ni Gatchalian ang Social Media Safety for Children Act (Senate Bill No. 2066) na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga menor de edad na wala pang 16 taong gulang. Inihain din ni Gatchalian ang Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill No. 627) upang ipagbawal ang paggamit ng smartphones at iba pang electronic devices kapag oras ng klase sa mga public at private schools.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN