Senator Win Gatchalian called out government agencies for failure to come up with a unified, coordinated, and comprehensive national contingency plan more than three weeks into the Middle East crisis.
“Parang hanggang ngayon, nagde-debate pa tayo kung may krisis o hindi. Sa amin dito sa Senado, nasa krisis na tayo,” said Gatchalian, chair of the Senate Committee on Finance, and the Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) panel of the Upper House. “Nakakagulat lang na 25 days into the war, wala pa tayong national contingency plan,” he said at the first public hearing of PROTECT.
“Kahit meron tayong suplay ng gasolina at diesel ngayon, ang problema ay hindi natin tiyak kung may darating pang panibagong stock kapag naubos na. Kung uncertain ang suplay, para sa akin krisis na iyon,” Gatchalian emphasized.
The senator noted that the Middle East conflict has raised a number of concerns, including oil and gas supply, the safety and security of overseas Filipino workers, the inflationary impact on major commodities, including food, and social amelioration programs.
He said that if a supplemental budget is needed, it will have to pass through Congress, that’s why they need to determine where the funding will come from.
Kakulangan ng Nagkakaisang Contingency Plan ng mga Ahensiya ng Gobyerno sa Gitna ng Middle East Crisis Pinuna ni Gatchalian
Pinuna ni Senador Win Gatchalian ang mga ahensya ng pamahalaan dahil sa kawalan ng klaro, nagkakaisa, at komprehensibong national contingency plan mahigit tatlong linggo na mula noong pumutok ang gyera sa Gitnang Silangan.
“Parang hanggang ngayon, nagde-debate pa tayo kung may krisis o hindi. Sa amin dito sa Senado, nasa krisis na tayo,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance at ng Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) panel ng Senado.
“Nakakagulat lang na 25 araw na mula noong nagkagyera sa Middle East, wala pa tayong national contingency plan,” pahayag niya sa unang public hearing ng PROTECT.
“Kahit meron tayong suplay ng gasolina at diesel ngayon, ang problema ay hindi natin tiyak kung may darating pang panibagong stock kapag naubos na. Kung uncertain ang suplay, para sa akin krisis na iyon,” pagdidiin ni Gatchalian.
Binanggit ng senador na ang sigalot sa Gitnang Silangan ay nagdulot ng iba’t ibang pangamba, kabilang ang suplay ng langis at gas, ang kaligtasan at seguridad ng mga OFW, ang epekto ng inflation sa mga pangunahing bilihin gaya ng pagkain, at ang mga programang pang-ayuda.
Aniya, kung kakailanganin ng supplemental budget, kailangang dumaan ito sa Kongreso, kaya naman dapat nang matukoy kung saan kukunin ang pondo para rito. ###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN