Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: Ensure Timely Repair, Replacement of Monsoon-Damaged Classrooms

Senate President Win Gatchalian is urging the Department of Education (DepEd) and local government units (LGUS) to ensure the timely repair and replacement of monsoon-damaged classrooms, a move that he says is crucial to the safe resumption of classes in affected areas. 

According to the DepEd, the combined effects of two tropical cyclones and the enhanced southwest monsoon damaged 6,681 classrooms as of August 14.  

“Tuwing bumabangon tayo mula sa mga kalamidad, kailangang agarang kumpunihin o palitan ang mga nasirang silid-aralan upang ‘wag malagay sa panganib ang mga mag-aaral dahil lamang sa mga pasilidad na hindi agad naaayos,” said Gatchalian.

He emphasized that if these classrooms are not repaired or replaced, the shortage of facilities for basic education will get worse. As of July last year, DepEd data showed that the classroom backlog stood at 147,000.

The 2026 national budget’s P67.9 billion allocation for basic education facilities covers the replacement of school buildings. The DepEd recently announced that it would allocate P34.355 million for cleanup and clearing operations in 1,195 affected schools, while P201.586 million is allotted for minor repairs in 4,114 classrooms.


Agarang Pagkumpuni at Pagpalit sa mga Classroom na Nasira ng Habagat Pinatitiyak ni Gatchalian 

  Hinihimok ni Senate President Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) at mga local government units (LGUs) na tiyaking agad na makumpuni at mapalitan ang mga silid-aralan na nasira dahil sa habagat. Mahalaga aniya ito para ligtas na maipagpatuloy ang klase sa mga apektadong lugar.

Batay sa  ulat ng DepEd nitong Agosto 14, umabot sa 6,681 classroom ang nasira dahil sa pinagsamang epekto ng dalawang bagyo at habagat.

“Tuwing bumabangon tayo mula sa mga kalamidad, kailangang agarang kumpunihin o palitan ang mga nasirang silid-aralan upang ‘wag malagay sa panganib ang mga mag-aaral dahil lamang sa mga pasilidad na hindi agad naaayos,” sabi ni Gatchalian.

Binigyang-diin niya na lalo pang lalala ang kakulangan sa basic education facilities kung hindi makukumpuni o mapapalitan ang mga classroom na ito. Batay sa DepEd data noong Hulyo ng nakaraang taon, umabot sa 147,000 ang classroom backlog.

Kasama sa P67.9 bilyong pondo allocation para sa silid-aralan sa 2026 national budget ang pagpapalit ng mga school buildings. Kamakailan ding inanunsyo ng DepEd na maglalaan ito ng P34.355 milyon para sa cleanup and clearing operations sa 1,195 apektadong paaralan, habang P201.586 milyon naman ang nakalaan para sa minor repairs ng 4,114 classroom. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN