Every learner across all grade levels is expected to have their own textbook for each subject this school year, Senate President Pro Tempore Win Gatchalian assured.
The 2026 national budget provides the necessary funding to achieve a 1:1 textbook-to-learner ratio, Gatchalian said. This year, P19.5 billion is allocated for textbooks and other instructional materials. This allocation is higher than the five-year average budget of P5.475 billion for textbooks and other instructional materials from 2021 to 2025.
“Maliban sa pagkakaroon ng sapat na mga silid-aralan, ang pagkakaroon ng kumpletong mga aklat ang isa rin sa mga dapat nating bigyan ng prayoridad para sa ating mga mag-aaral. Ang mga aklat ay pangunahing pangangailangan nila at tungkulin nating tiyakin na hindi na ito magkukulang,” said Gatchalian.
The 2024 Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) found that, on average, learners who do not have their own textbook or who share textbooks with others score five points lower in reading than those who have their own. Results of the 2024 SEA-PLM also found that while 52% of Grade 5 learners have one textbook each, 42% shared a textbook with at least one other learner.
Gatchalian: Kumpletong mga Aklat para sa Bawat Mag-aaral Target Ngayong Taon
Kumpletong mga aklat para sa bawat mag-aaral sa lahat ng subject. Ito ang tiniyak ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian kasunod ng pagbubukas ng School Year 2026-2027.
Ayon kay Gatchalian, nakalaan sa ilalim ng 2026 national budget ang kinakailangang pondo upang makamit ang 1:1 ratio kada mag-aaral. Ngayong taon, P19.5 bilyon ang inilaan para sa pambili ng mga aklat at iba pang instructional materials. Mas mataas ang pondong ito kaysa sa limang taong average na pondo na umabot sa P5.475 bilyon para sa mga aklat at iba pang instructional materials mula 2021 hanggang 2025.
“Maliban sa pagkakaroon ng sapat na mga silid-aralan, ang pagkakaroon ng kumpletong mga aklat ang isa rin sa mga dapat nating bigyan ng prayoridad para sa ating mga mag-aaral. Ang mga aklat ay pangunahing pangangailangan nila at tungkulin nating tiyakin na hindi na ito magkukulang,” ani Gatchalian.
Batay sa resulta ng 2024 Southeast Asia Primary Learning Metrics o SEA-PLM, ang mga mag-aaral na walang sariling aklat o nakikihati sa aklat ng iba ay karaniwang nakapagtatala ng limang puntos na mas mababang marka sa pagbasa kumpara sa mga mag-aaral na may sariling aklat.
Ipinakita rin ng resulta ng 2024 SEA-PLM na bagama’t 52% ng mga mag-aaral sa Grade 5 ang may tig-iisang aklat, 42% naman ang nakikihati ng aklat sa isa pang mag-aaral.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN