Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Calls for Stronger Fire Prevention Measures Amid Extreme Heat; Says Work Continues Despite Political Noise

Senator Win Gatchalian called for stricter fire prevention measures by local government units and intensified inspections for illegal power connections by power distributors following a series of fire incidents across the country amid extreme heat conditions.

Despite the ongoing political noise, it was work as usual for the senator on Sunday as he visited Barangay Sta. Ana in Taguig, one of the areas affected by the May 25 fire. He was joined by Taguig Mayor Lani Cayetano. 

Authorities are currently investigating reports that an illegal power connection, or “jumper,” may have triggered the blaze.

“Kailangan ng tulong ng mga kababayan natin sa Taguig, kaya personal natin silang binista upang malaman ang kanilang kalagayan pagkatapos nilang mawalan ng mga tirahan,” Gatchalian said. The senator also distributed food assistance. A total of 684 families received 50 kilograms of rice each, amounting to P247,500.

“Tuloy tuloy lang ang trabaho. Kaya nananawagan ako sa mga LGU, local fire bureau personnel, at mga power distributor na paigtingin ang pagpapatupad ng fire safety measures, kabilang ang regular na safety inspections, upang maiwasan ang sunog,” he added. 

During his tenure in the Senate, one of Gatchalian’s key advocacies has been energy reform, including the promotion of improved power distribution safety standards and stronger safeguards against electrical hazards.


Gatchalian Nananawagan ng Mas Mahigpit na Fire Prevention Measures sa Gitna ng Matinding Init; Tuloy ang Trabaho sa Kabila ng Ingay-Politika

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa mga lokal na pamahalaan ng mas mahigpit na mga hakbang para makaiwas sa sunog, at sa mga power distributor para sa pinaigting na inspeksyon laban sa mga ilegal na koneksyon sa kuryente. Ang kanyang panawagan ay kasunod ng mga insidente ng sunog sa bansa sa gitna ng matinding tag-init.

Sa kabila ng nagpapatuloy na ingay sa politika, naging karaniwang araw ng trabaho pa rin para sa senador ang Linggo. Binisita niya ang Barangay Sta. Ana sa Taguig, isa sa mga lugar na naapektuhan ng sunog noong Mayo 25. Sinamahan siya ni Taguig Mayor Lani Cayetano. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga ulat na isang ilegal na koneksyon sa kuryente, o “jumper,” ang posibleng pinagmulan ng apoy.

“Kailangan ng tulong ng mga kababayan natin sa Taguig, kaya personal natin silang binisita upang malaman ang kanilang kalagayan pagkatapos nilang mawalan ng mga tirahan,” ani Gatchalian.

Nagbahagi rin ang senador ng tig-50 kilo ng bigas, na may kabuuang halaga na P247,500, sa 684 na pamilyang naapektuhan ng sunog. 

“Tuloy tuloy lang ang trabaho. Kaya nananawagan ako sa mga LGU, local fire bureau personnel, at mga power distributor na paigtingin ang pagpapatupad ng fire safety measures, kabilang ang regular na safety inspections, upang maiwasan ang sunog,” dagdag pa niya.

Sa kanyang naging termino sa Senado, isa sa mga pangunahing isinusulong ni Gatchalian ang reporma sa enerhiya, kabilang ang pagtataguyod ng mas maayos na pamantayan sa kaligtasan ng power distribution at mas matibay na proteksyon laban sa mga panganib na dulot ng kuryente. 

###