Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Bill Seeks Social Media Ban for Minors Under 16

Senator Win Gatchalian has filed a bill that prohibits children below 16 years of age from registering, accessing, or maintaining accounts on any social media platform.

“Panahon na upang protektahan ang ating mga kabataan mula sa pinsalang dulot ng social media. Huwag na nating hintaying lumala ang problema bago tayo umaksyon,” said Gatchalian in filing Social Media Safety for Children Act (Senate Bill No. 2066).

The proposed measure follows the lead of countries that have imposed similar bans, including Australia – the first to do so – which passed the Online Safety Amendment (Social Media Minimum Age Act 2024), effective December 2025. In Southeast Asia, Indonesia became the first to enforce a similar restriction by banning social media access for children under 16.

Under Senate Bill No. 2066, social media platform providers will be required to adopt age and identity verification systems, conduct regular audits to deactivate accounts of age-restricted users, and establish reporting and response mechanisms for underage access, among other safeguards.

The DICT, in coordination with the DSWD, DepEd, NTC, NPC, and other relevant government agencies and private stakeholders, shall promulgate the rules and regulations within ninety days after the effectivity of this Act.


Panukalang Batas ni Gatchalian: Social Media Ban Para sa mga Menor de Edad

Naghain si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na nagbabawal sa mga batang wala pang 16 taong gulang na magparehistro, gumamit, at magpanatili ng mga account sa kahit anong social media platform.

“Panahon na upang protektahan ang ating mga kabataan mula sa pinsalang dulot ng social media. Huwag na nating hintaying lumala ang problema bago tayo umaksyon,” ani Gatchalian kasunod ng paghahain niya ng Social Media Safety for Children Act (Senate Bill No. 2066).
Ang naturang panukala ay pagsunod ng halimbawa ng iba’t ibang bansa. Ang bansang Australia ang naunang magpatupad ng ganitong klase ng ban noong ipasa nito ang Online Safety Amendment (Social Media Minimum Age Act 2024) na nagsimulang maging epektibo noong Disyembre 2025. Sa Timog-Silangang Asya, ang bansang Indonesia ang unang nagpatupad ng parehong regulasyon noong ipagbawal nito ang social media access sa mga batang wala pang 16 na taong gulang.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2066, magiging mandato sa mga social media platform providers na magpatupad ng mga age at identity verification systems, magsagawa ng regular na mga audit upang ma-deactivate ang mga accounts ng mga users na wala sa wastong gulang, magpatupad ng mga reporting at response mechanisms para sa underage access, at iba pa.
Ang DICT, sa pakikipagtulungan sa DSWD, DepEd, NTC, NPC, at iba pang mga ahensya ng pamahalaan, pati na rin ang mga kinatawan ng pribadong sektor, ay magbabalangkas ng rules and regulatons sa loob ng 90 araw na maisabatas ang naturang panukala.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN