Following the opening of School Year 2026-2027, expanded feeding programs in public schools and child development centers (CDCs) will start rolling out this year as part of efforts to address malnutrition among Filipino learners, Senator Win Gatchalian said.
The School-Based Feeding Program (SBFP), which received P25.7 billion under the 2026 national budget, will now cover all Kindergarten and Grade 1 learners in public schools. The program will also expand feeding days from 120 to 200 and is expected to benefit 4.6 million learners, including wasted, severely wasted, stunted, and severely stunted learners from Grades 2 to 6.
For its part, the Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Supplementary Feeding Program (SFP) received P9.2 billion under the 2026 national budget. The allocation is expected to benefit around 1.8 million children enrolled in Child Development Centers (CDCs) and Supervised Neighborhood Play, while increasing feeding days from 120 to 200.
“Isa sa pinakamahalagang tinutukan ng makasaysayang pondong inilaan natin para sa edukasyon ay ang laban kontra gutom at malnutrisyon ng ating mga mag-aaral. Kapag sapat ang pagkain at maayos ang nutrisyon ng bata, mas handa silang matuto at abutin ang kanilang mga pangarap,” said Gatchalian.
Gatchalian: Pinalawak na mga Feeding Program Ipapatupad Ngayong Taon
Kasunod ng pagbubukas ng School Year 2026-2027, binigyang diin ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian na sisimulan ngayong taon ang pinalawak na mga feeding program sa mga pampublikong paaralan at mga Child Development Centers (CDCs) upang masugpo ang malnutrisyon sa mga Pilipinong mag-aaral.
Sa ilalim ng 2026 national budget, P25.7 bilyon ang inilaan para sa School-Based Feeding Program (SBFP). Ngayong taon, magiging saklaw na ng naturang programa ang lahat ng mga mag-aaral ng Kindergarten at Grade 1 sa mga pampublikong paaralan. Palalawakin din ng programa ang bilang ng feeding days sa 200 mula 120. Inaasahang 4.6 milyong mga mag-aaral ang makikinabang sa naturang programa, kabilang ang mga wasted, severely wasted, stunted, at severely stunted learners mula Grade 2 hanggang Grade 6.
Samantala, naglaan naman ng P9.2 bilyon sa ilalim ng 2026 national budget para sa Supplementary Feeding Program (SFP) ng Department of Social Welfare and Development. Gamit ang naturang pondo, inaasahang masusuportahan ng programa ang humigit-kumulang 1.8 milyong batang naka-enroll sa CDCs at Supervised Neighborhood Play. Nakatakda ring madagdagan ang feeding days ng programa sa 200 mula 120.
“Isa sa pinakamahalagang tinutukan ng makasaysayang pondong inilaan natin para sa edukasyon ay ang laban kontra gutom at malnutrisyon ng ating mga mag-aaral. Kapag sapat ang pagkain at maayos ang nutrisyon ng bata, mas handa silang matuto at abutin ang kanilang mga pangarap,” ani Gatchalian.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN