Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian bats for higher AFP budget to improve capacity, strengthen cyber defense

Senate President Win Gatchalian is pushing to increase the budget of the Armed Forces of the Philippines (AFP) in a bid to ensure its continuous modernization, readiness, and capability-building amid continuing volatility in the geopolitical landscape.

 “Talagang mabilis na nagbabago ang ating geopolitical situation sa rehiyon at buong mundo. Nakikita yung ibang conflict sa Middle East at Eastern Europe. Sa ganitong punto, importante na maging handa at patuloy na mino-modernize at pinapalakas ang ating armed forces kasama ang kanilang kapasidad sa cyber warfare,” said Gatchalian at the recent Senate hearing on the proposed budget of the Department of National Defense and its attached agencies.

“Importante na tuloy-tuloy yung suporta at sustainable hanggang umabot sa kakayahan na gusto natin,” he emphasized.

 He said that one area where the AFP needs funding support is in cyber warfare, which is no longer a theoretical threat but has turned into an active reality in modern defense strategy, making it imperative for the armed forces to develop its cyber defense capability.

 According to the Senate President, funding support is also needed to enhance the AFP’s search and rescue capability in times of disaster.

 “Hindi lang taga-defend ang ating armed forces kundi tumutugon din ito sa mga kalamidad na nangyayari sa ating bansa kagaya ng pag may tumatama sa atin na malalakas na bagyo at iba pang uri ng kalamidad na nararanasan natin,” he noted.


Gatchalian, isinusulong ang mas mataas na badyet ng AFP upang mapabuti ang kapasidad at patatagin ang cyber defense

Iginigiit ni Senate President Win Gatchalian ang pagpapataas ng pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matiyak ang patuloy na modernisasyon, kahandaan, at pagpapalakas ng kapasidad nito sa gitna ng patuloy na pagbabago sa geopolitikal na sitwasyon.

“Talagang mabilis na nagbabago ang ating geopolitical situation sa rehiyon at buong mundo. Nakikita yung ibang conflict sa Middle East at Eastern Europe. Sa ganitong punto, importante na maging handa at patuloy na mino-modernize at pinapalakas ang ating armed forces kasama ang kanilang kapasidad sa cyber warfare,” pahayag ni Gatchalian sa kamakailang pagdinig ng Senado ukol sa panukalang badyet ng Department of National Defense at mga kaugnay na ahensya nito.

“Importante na tuloy-tuloy yung suporta at sustainable hanggang umabot sa kakayahan na gusto natin,” diin niya.

Sinabi niya na ang isang bahagi kung saan kailangan ng AFP ng suportang pampinansyal ay sa cyber warfare, na hindi na lamang isang teoretikal na banta kundi isa ng makabagong estratehiya ng depensa, kaya’t lubos na kinakailangan ng armadong lakas na linangin ang kakayahan nito sa cyber defense.

Ayon sa Senate President, kailangan din ang suportang pampinansyal upang mapalakas ang kakayahan ng AFP sa search and rescue kapag may mga sakuna.

“Hindi lang taga-defend ang ating armed forces kundi tumutugon din ito sa mga kalamidad na nangyayari sa ating bansa kagaya ng pag may tumatama sa atin na malalakas na bagyo at iba pang uri ng kalamidad na nararanasan natin,” aniya.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN