Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Bats Anew for Lifeguards in Public Pools

Senator Win Gatchalian is pushing anew for his proposal to require having lifeguards on-duty in all public swimming schools and bathing facilities.

Gatchalian issued the call after a Philippine National Police report revealed 59 drowning incidents nationwide from March 29 to April 5, up 136% from the 25 cases recorded between March 21 and March 28, the week leading up to Holy Week.

On Black Saturday, two students drowned in Morong, Bataan. That same day, a five-year old girl drowned in Don Salvador Benedicto, Negros Occidental.

“Nakakalungkot na may mga kabataan tayong binawian ng buhay dahil sa pagkalunod, bagay na maaari sana nating maiwasan kung sapat ang mga hakbang na ginagawa natin upang tiyakin ang kaligtasan nila,” said Gatchalian.

“Kaya patuloy nating isinusulong ang ating panukalang magkaroon ng lifeguards ang mga pampublikong swimming pools upang maiwasan ang ganitong mga trahedya,” the lawmaker added.

Under the 20th Congress, Gatchalian refiled the Lifeguard Act (Senate Bill No. 1517), which seeks to mandate public swimming schools to employ at least one certified lifeguard during the duration of its operations.


Patuloy na Isinusulong ni Gatchalian ang Pagkakaroon ng Lifeguard sa Bawat Pampublikong Swimming Pool

Muling isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panukalang imandato ang pagkakaroon ng mga lifeguard sa mga pampublikong swimming pool at iba pang bathing facilities.

Kasunod ito ng ulat ng Philippine National Police (PNP) na nagpapakita ng pagtaas ng mga insidente ng pagkalunod. Ayon sa PNP, may naitalang 59 na mga insidente ng pagkalunod mula Marso 29 hanggang Abril 5, mas mataas ng 136% sa 25 na naitala noong Marso 21 hanggang Marso 28, ang linggo bago ang Semana Santa.

Noong nakaraang Sabado de Gloria, may dalawang mag-aaral na nalunod sa Morong, Bataan. Sa araw ding iyon, may limang-taong gulang na batang babae ang nalunod sa Don Salvador Benedicto, Negros Occidental.

“Nakakalungkot na may mga kabataan tayong binawian ng buhay dahil sa pagkalunod, bagay na maaari sana nating maiwasan kung sapat ang mga hakbang na ginagawa natin upang tiyakin ang kaligtasan nila,” ani Gatchalian.

“Kaya patuloy nating isinusulong ang ating panukalang magkaroon ng lifeguards ang mga pampublikong swimming pools upang maiwasan ang ganitong mga trahedya,” dagdag na pahayag ng senador.

Sa ilalim ng 20th Congress, muling inihain ni Gatchalian ang Lifeguard Act (Senate Bill No. 1517). Layon ng panukalang batas na imandato ang mga pampublikong swimming pool na magkaroon ng certified lifeguard para sa kanilang mga operasyon.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN