Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: AMLC Should Actively Scrutinize Gov’t Bank Transactions to Weed out corruption  

Senate President Win Gatchalian said the Anti-Money Laundering Council (AMLC) should actively scrutinize bank transactions for government programs and projects to effectively weed out corruption.

“AMLC never detected that. Ang sagot sa amin, because ang daming mga dokumento na pumapasok na hindi nila ma-analyze. But for me, that’s unacceptable because that’s precisely why AMLC exists: to stop all of these crimes from happening or blowing up at one time,” Gatchalian told Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at the Senate briefing by the Development Budget Coordination Committee (DBCC) on the proposed 2027 national budget.

The Senate President was referring to testimony during a hearing conducted by the Senate Blue Ribbon Committee on the controversial flood control projects by Sally Santos, owner of Syms Construction Trading, that she made massive cash withdrawals of P457 million for two days. The money was used as kickbacks or payments to DPWH officials.

As the AMLC was given an additional budget allocation of P162 million under the 2026 budget to improve the agency’s capability to detect anomalous transactions. 


Gatchalian: Dapat aktibong suriin ng AMLC ang mga transaksyon sa bangko ng gobyerno para masugpo ang korapsyon

Sinabi ni Senate President Win Gatchalian na dapat aktibong suriin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga transaksyon sa bangko para sa mga programa at proyekto ng gobyerno upang epektibong masugpo ang korapsyon.

“Hindi natukoy ng AMLC ‘yan. Ang sagot sa amin, dahil ang daming mga dokumento na pumapasok na hindi nila ma-analyze. Ngunit para sa akin, hindi ‘yan katanggap-tanggap dahil ‘yan mismo ang dahilan kung bakit umiiral ang AMLC: upang pigilan ang lahat ng krimeng ito bago pa mangyari o lumala nang sabay-sabay,” sinabi ni Gatchalian sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa ginanap na pagdinig sa Senado ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ukol sa panukalang 2027 pambansang badyet.

Tinutukoy ng Senate President ang testimonya sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersyal na mga proyekto sa flood control ni Sally Santos, may-ari ng Syms Construction Trading, kung saan naglabas siya ng malalaking cash withdrawal na umabot sa ₱457 milyon sa loob ng dalawang araw. Ang pera ay ginamit bilang kickback o pambayad sa mga opisyal ng DPWH.

Nangyari ito habang ang AMLC ay binigyan ng karagdagang alokasyon sa badyet na ₱162 milyon sa ilalim ng 2026 badyet upang mapabuti ang kakayahan ng ahensya na matukoy ang mga kaduda-dudang transaksyon. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN