Senator Win Gatchalian expressed grave concern over allegations of leakage in professional licensure exams administered by the Professional Regulatory Commission (PRC), saying such incidents could lead to unqualified professionals.
“This is alarming. The whole point of coming up with an examination for professionals is to ensure that we have doctors, engineers, or teachers who are qualified. Nakakatakot na mamatayan tayo dahil lang may leakage kaya nakapasang doktor o gumuho ang mga building dahil nakapasa lang na engineer dahil sa leakage. Even though it’s an allegation, I’m very much concerned because we spend so much in regulating these professions and so much time in making laws,” said Gatchalian during a recent Senate hearing.
The senator’s remarks follow an EDCOM 2 report revealing that items from the March 2023 Board Licensure Examination for Professional Teachers were leaked online.
However, Dr. Rosita Navarro, chairperson for the Career Progression and Specialization Program Credit Accumulation and Transfer System Committee for Professional Teachers, maintained that any leakage does not emanate from the PRC, as members of the board are usually quarantined while the questionnaire is being formulated.
It was mentioned during the hearing that there is a strong possibility the leaks are occurring during the actual examination.
# # #
Gatchalian Naalarma sa Umano’y Leakage sa PRC Professional Licensure Exams
Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Senador Win Gatchalian hinggil sa mga alegasyon ng leakage sa mga professional licensure exam na pinangangasiwaan ng Professional Regulation Commission (PRC) at sinabing ang mga ganitong insidente ay maaaring magbunga ng mga hindi kwalipikadong propesyonal.
“Nakakaalarma ito. Ang buong layunin ng pagbuo ng pagsusulit para sa mga propesyonal ay upang matiyak na mayroon tayong mga doktor, inhinyero, o guro na kwalipikado. Nakakatakot na mamatayan tayo dahil lang may leakage kaya nakapasang doktor o gumuho ang mga building dahil nakapasa lang na engineer bunga ng leakage. Kahit na ito ay alegasyon pa lamang, lubos akong nababahala dahil malaking pondo ang ginagastos natin sa pagre-regulate ng mga propesyong ito at malaking panahon ang inilalaan sa pagbalangkas ng mga batas,” ani Gatchalian sa isang nagdaang pagdinig sa Senado.
Ang mga pahayag ng senador ay kasunod ng ulat mula sa EDCOM 2 na nagsisiwalat na may mga item mula sa March 2023 Board Licensure Examination for Professional Teachers na nagleak sa online.
Gayunpaman, nanindigan si Dr. Rosita Navarro, chairperson ng Career Progression and Specialization Program Credit Accumulation and Transfer System Committee for Professional Teachers, na ang anumang leakage ay hindi nanggagaling sa PRC. Paliwanag niya, ang mga miyembro ng board ay karaniwang naka-quarantine habang binubuo ang mga questionnaire.
Nabanggit din sa nakaraang pagdinig na may malakas na posibilidad na ang mga leakage ay nagaganap mismo habang isinasagawa ang aktwal na pagsusulit.
# # #
