Senator Win Gatchalian said the government needs to accelerate the country’s adoption of electric vehicles (EVs) to mitigate the impact of higher oil prices amid escalating armed conflict in the Middle East.
“The ongoing hostilities in the Middle East should serve as a wake-up call. We desperately need to reduce the country’s vulnerability to oil price volatility. Paulit-ulit na lang na pinapasan ng mga Pilipino ang bigat ng pagtaas ng presyo ng langis,” Gatchalian said.
Accelerating our transition to the adoption of EVs would help insulate the local economy from fuel shocks,” he added. The Philippines imports about 96% to 99% of its oil requirements.
Gatchalian said the government needs to accelerate the establishment of the necessary infrastructure support, such as charging stations, to encourage more organizations and individuals to adopt EVs.
Under the Comprehensive Roadmap for the Electric Vehicle Industry (CREVI), the government has a conservative target for the country to have 7,300 vehicle charging stations by 2028, compared with a more ambitious goal of 66,500. CREVI was adopted following the May 2022 enactment of the Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA), authored by Gatchalian, to support EV adoption nationwide.
Gatchalian: Bilisan ang Transisyon sa Paggamit ng EV sa Gitna ng Tensyon sa Gitnang Silangan
Sinabi ni Senador Win Gatchalian na kailangang bilisan ng pamahalaan ang pagtanggap ng bansa sa mga electric vehicle (EV) upang mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng langis na inaangkat ng Pilipinas sa Gitnang Silangan sa gitna ng tension sa rehiyon.
“Ang patuloy na kaguluhan sa Middle East ay dapat magsilbing wake-up call. Kailangan nating bawasan ang pagiging bulnerable ng bansa sa pabago-bagong presyo ng langis. Paulit-ulit na lang na pinapasan ng mga Pilipino ang bigat ng pagtaas ng presyo ng langis,” ani Gatchalian.
“Ang pagpapabilis sa ating transisyon patungo sa paggamit ng mga EV ay makatutulong upang protektahan ang lokal na ekonomiya mula sa fuel shocks,” dagdag niya. Ang Pilipinas ay nag-aangkat ng 96% hanggang 99% ng pangangailangan nito sa langis.
Sinabi ng mambabatas na kailangang bilisan ng pamahalaan ang pagpapatayo ng mga kinakailangang suportang imprastraktura, gaya ng mga charging station, upang mahikayat ang mas maraming organisasyon at indibidwal na gumamit ng EV.
Sa ilalim ng Comprehensive Roadmap for the Electric Vehicle Industry (CREVI), may konserbatibong target ang pamahalaan na magkakaroon ang bansa ng 7,300 vehicle charging stations sa taong 2028, kumpara sa mas ambisyosong layunin na 66,500. Ang CREVI ay ipinatupad kasunod ng pagsasabatas noong Mayo 2022 ng Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA), na iniakda ni Gatchalian, upang suportahan ang paggamit ng EV sa buong bansa.
###
