Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Ahead of ITR Deadline, Gatchalian Urges BIR: Fully Implement Ease of Paying Taxes Law

With the April 15 deadline for filing annual income tax returns (ITRs) fast approaching, Senator Win Gatchalian urged the Bureau of Internal Revenue (BIR) to ensure the full and effective implementation of the Ease of Paying Taxes (EOPT) Act, making compliance simpler, particularly for small taxpayers, including micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

“Isinulong natin ang EOPT dahil ang pagpapasimple ng proseso ng pagbabayad ng buwis ay susi sa pagpapalakas ng koleksyon ng kita ng pamahalaan,” said Gatchalian, principal author of the law and chair of the Senate Committee on Finance.

The EOPT law seeks to streamline tax filing by introducing a file-and-pay-anywhere system and enabling most transactions to be completed online.

Signed into law in January 2024, the measure classifies taxpayers into micro, medium, and large categories based on gross sales, allowing for a more responsive tax system tailored to each segment. It also mandates a shift to an invoice-based system to simplify registration and expedite the processing of value-added tax (VAT) refunds.

He stressed the importance of ensuring that reforms under the EOPT law are fully felt on the ground.

# # #


Paalala ni Gatchalian Bago ang Deadline ng Pagfa-file ng ITR: Ipatupad nang Ganap ang EOPT Law

Habang papalapit ang Abril 15 na deadline para sa pagfa-file ng taunang income tax returns (ITRs), hinikayat ni Senador Win Gatchalian ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na tiyakin ang ganap at epektibong pagpapatupad ng Ease of Paying Taxes (EOPT) Act upang mapadali ang pagsunod o compliance lalo na para sa tinatawag na ‘small taxpayers’, kabilang ang micro, small, at medium enterprises (MSMEs).

“Isinulong natin ang EOPT dahil ang pagpapasimple ng proseso ng pagbabayad ng buwis ay susi sa pagpapalakas ng koleksyon ng kita ng pamahalaan,” ani Gatchalian, pangunahing may-akda ng batas at chairperson ng Senate Committee on Finance.

Layon ng EOPT law na pasimplehin ang pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng pagpapakilala ng file-and-pay-anywhere system at pagbibigay-daan na maisagawa ang karamihan ng mga transaksyon sa online platform. 

Nilagdaan bilang batas noong Enero 2024, inuuri ng EOPT law ang mga nagbabayad ng buwis bilang micro, medium, at large batay sa gross sales, upang magkaroon ng mas angkop at tumutugong sistema ng pagbubuwis para sa bawat sektor. Inaatasan din nito ang paglipat sa invoice-based system upang mapadali ang registration at mapabilis ang pagproseso ng value-added tax (VAT) refunds.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan na matiyak na ang mga reporma sa ilalim ng EOPT law ay lubos na maramdaman sa aktuwal na pagpapatupad. 

# # #

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN