Win Tayong Lahat

WIN sa balita

8 steps sa pagkuha ng marriage license sa Valenzuela City

Malapit na ang Valentine’s Day, naiisip niyo na ba’ng magpakasal?

Hindi naman kailangan ng malaking halaga para kayo makasal. Hindi rin ganoon kahaba ang proseso. Kailangan niyo lang sundin ang 8 steps na ito:

1. Kumuha ng application form for Marriage License sa Civil Registry Office sa may bagong Valenzuela City Hall at sagutan ito.

Photo by Fatima De Guzman
  1. Para sa mga edad 18 hanggang 24, pumunta City Social Welfare Department o CSWD office upang magpa-schedule ng marriage counseling seminar. Maari din kumuha ng seminar ang mga nasa edad 25 pataas pero hindi ito nire-require.

    Ang mga nasa edad 18 hanggang 20 ay kailangan kasama ang kani-kanilang ama sa marriage seminar. Ang mga nasa edad 20 hanggang 24 naman ay maaring samahan ng kahit na sino sa kanilang magulang.

Photo by Camille Nepomuceno
  1. Matapos ang marriage seminar, tumungo sa City Health Office para magpa-schedule sa family planning seminar na ginaganap sa Valenzuela City Convention tuwing Martes, bandang ala-una ng hapon.

 

Photo by Camille Nepomuceno
  1. Matapos dumalo sa marriage counseling at family planning seminar, bibigyan kayo ng certificate na nagpapatunay na dumalo kayo sa nasabing mga seminar.
Photo by Camille Nepomuceno
  1.  Matapos punan ang marriage license form at makuha ang certificate sa mga seminar, ipasa sa Civil Registry Office ang form kasama ang dalawang photocopy ng birth or baptismal certificate ng parehong ikakasal. Magdala din ng isang valid ID.

    Kung ang magpapakasal ay isang foreigner, kailangan niyang magpresenta ng Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage sa Pilipinas.

Photo by Fatima De Guzman
  1. Siguraduhing kumpleto ang lahat ng requirements na ipapasa sa Civil Registry Office. Ang may mga incomplete requirements ay hindi tatangapin.
Photo by Camille Nepomuceno

 

7. Sa pag-file ng mga dokumento, maghanda na rin ng P40 na pambayad sa Civil Registry Office

Photo by Camille Nepomuceno
  1. Matapos magparehistro, ipapaskil ng Civil Registry Office ng sampung araw ang inyong pangalan kasama ng iba pang ikakasal sa mga piling lugar sa lungsod ng Valenzuela. Kung walang tututol sa kasal, aalisin na ang paskil pagkatapos ng sampung araw. Maari na din kunin ng magasawa kanilang marriage license. Kinakailangan magbayad ng P20 ang magasawa para makuha ang kanilang marriage license sa Civil Registry Office’s cashier.
Photo by Fatima De Guzman

Para sa karagdagang impormasyon, maari kayong tumawag sa Civil Registry Office sa numerong (02) 352-1000 local 1412 mula Lunes hanggang Biyernes, simula 8 a.m. hanggang 5 p.m. (Camille Nepomuceno)