Win Tayong Lahat

WIN sa balita

67-anyos lola muling nakapag-aral ng hayskul dahil sa ALS program

Photo by Fatima De Guzman

Kung gusto, may paraan.

 

Ito ang napatunayan ng isang 67-taong gulang na lola mula sa barangay ng Coloong sa lungsod ng Valenzuela na nagbigyan ng pagkakataon na mas itaguyod pa ang kanyang nalalaman sa ilalim ng Alternative Learning System o ALS program.

 

Nagawang maipagpatuloy ni Lola Gloria Alcaraz ang kanyang edukasyon sa hayskul matapos sumailalim sa 10 buwan na pagtuturo sa ALS program.

 

 

Related News: Win program transforms inmates from kakosa to kaklase

 

 

Nagsimula ang ALS program sa lungsod ng Valenzuela noong taong 2000 at napayaman sa pamumuno ni Valenzuela City Congressman Win Gatchalian bilang alkalde ng lungsod mula 2004 hanggang 2013 upang bigyan ng pagkakataon ang mga matatanda at out-of-school youth na muling matuto.

 

Ayon kay Lola Gloria, na may limang anak, elementarya lang ang kaniyang natapos sapagkat napilitan siyang manilbihan bilang katulong sa kaniyang tiyahin sa edad na 13 dala na rin ng hirap ng buhay.

 

Bagamat naging biyuda sa edad na 42, nagawa pa ring niyang maitaguyod at mapagtapos ang kanyang limang anak sa kolehiyo.

 

“Bilang ina, wala akong ibang nais kundi ang maibigay sa kanila ang lahat. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makapagtapos sila ng pag-aaral,” paliwanag ni Lola Gloria.

 

 

Related News: Gatchalian files to nationalize Alternative Learning System (ALS) program 

 

 

“Hindi naman ako nabigo dahil lahat sila ay nakapagtapos at kinuha ang kursong gusto ko para sa kanila,” dagdag pa niya.

 

Ngunit sa paglipas ng mga taon, hindi pa rin naglaho ang kagustuhan ni Lola Gloria na makapagtapos ng pag-aaral.

 

Lalo pang napaigting ng kanyang pagnanais makapagaral sa kaniyang karanasan bilang ilaw ng tahanan sapagkat ito ang nagturo sa kanya ng kahalagahan ng edukasyon.

 

Kaya naman siya nagbalik siya sa apat na sulok ng silid-aralan noong nakaraang taon matapos niyang malaman ang na maaari pa pala siyang mag-aral ulit sa kanyang 17-taong gulang na apo na naka-enroll din sa ALS program ng Valenzuela City.

 

“Para akong bumata muli. Ang sarap mag-aral. Hindi pa huli ang lahat kahit sa mga katulad ko na may edad na,” ayon kay Lola Gloria.

 

 

Related News: What a scholarship program really means for a scholar and his family

 

 

Sa ilalim ng programa, binibigyan ng literacy test ang mga nais mag-aral muli para masukat ang kanilang kasalukuyang nalalaman.

 

Pagkatapos nito, sumasailalim ang mga mag-aaral sa tatlong araw na learning session mula Martes hanggang Biyernes kada linggo.

 

Hinahasa ang mga mag-aaral sa mga study session pagdating sa mga subejct sa Filipino, English, Math and Science, Kabuhayan and Likas na Yaman, and Pagpapalawak ng Pananawupang makapasa sila sa accreditation and equivalency or A&E test ng Department of Education o DepEd.

 

Noong 2011, nangibabaw ang lungsod ng Valenzuela sa A&E test sa buong Metro Manila noong 2011, matapos makapagtala ng 40.8% total passing rate.

 

Sa ngayon, hinihintay nalang ni Lola Gloria ang resulta ng A&E test na inaasahang lalabas bago matapos ang buwan ng Abril.

 

Nang tanungin siya kung ano ang binabalak niya pagkatapos ng ALS program, nagpahayag si Lola Gloria ng kagustuhang ipursige kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

 

“Ipagpapatuloy ko ito. Mag-aaral ako sa kolehiyo. May pinagpipilian na akong kurso, Accountacy o Public Administration. Gustong-gusto ko talaga na makatapos kaya gagawin ko ang lahat lalo’t nabigyan na ako ng pagkakataon,” ayon sa kanya. (Camille Nepomuceno)