Win Tayong Lahat

WIN sa balita

12 misconceptions about K to 12 Program

(Editor’s Note: This translated article was lifted from a Tumblr post of Philippine Business for Education or PBEd, a non-profit organization composed of top CEOs in the country that advocate teacher quality improvement, workforce development, and curricular reform. You may read the original content here.) 

 

 

Walang tigil ang pagsisikap ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at iba pang mga sektor ng lipunan para maipakalat ang magagandang maidudulot ng K to 12 Program.

 

Sa kabila nito, marami pa rin ang may agam-agam at baluktot na pananaw tungkol dito.  Ngunit bago natin harangan ang pagpapatupad ng batas na nagnanais ireporma ang basic education curriculum sa bansa, siguraduhing ang pagkakaroon ng tamang pag-intindi sa mga sumusunod na misconception tungkol sa programang ito:

 

 

  1. Pasakit lang ang K to 12 Program sa mga magulang.
Photo by George Calvelo

 

Mali ang pananaw nito. Sa katunayan, mas makatitipid pa nga ang mga magulang kung may K to 12 Program. Paano?

 

Sa kasalukuyan, kailangan muna ng mga estudyanteng mag-aral ng 2 taon sa kolehiyo para sila ay makapagtrabaho. Pahirap ito para sa mga magulang na hindi kayang pag-aralin ang kanilang mga anak sa kolehiyo. Ngunit sa ilalim ng K to 12 Program, maari nang magtrabaho ang mga high school graduate dahil sapat na ang kanilang natutunan, abilidad, at edad.

 

At dahil ang gobyerno ang magbabayad ng 2 dagdag na taon ng pag-aaral ng K to 12 students, hindi na kailangang gastusan ng mga magulang ang pag-aaral ng kanilang anak sa senior high school.

 

2Sapat na ang 10 taon na pag-aaral.

Photo by Echo.net

 

 

Sa ilalim ng kasalukuyang curriculum, kailangang matutunan ng mga estudyante ang lahat ng kailangan nilang malaman sa loob lamang ng 10 taon imbis na 12 taon. Hindi ito sapat para ma-master ang mga lesson. Kapag nagpatuloy ito, parang pinagmamadali natin ang mga bata sa exam para sa kanilang tunay na kinabukasan.

 

Ito ang dahilan kung bakit tayo nagkakaroon mga 15-year-old high school graduates na masyado pang bata at kulang na kulang pa ang karanasan para makapasok sa kolehiyo o ‘di kaya magtrabaho.

 

  1. Dadami lang ang out-of-school youthdahil sa pagdagdag ng 2 taon sa high school.
Photo by Gawad Kalinga

 

 

Humihinto sa pag-aaral ang mga bata dahil sa kawalan ng interes. Sa ilalim ng K to 12 program, makukuha ang atensyon ng mga mag-aaral na matuto at tumutok sa pag-aaral dahil papayagan silang pumili ng mga elective at specialization na gusto nilang matutunan base sa kanilang hilig.

 

Kaya kung gusto ng bata na maging susunod na Christopher Nolan ngunit hirap siya sa calculus, maari siyang magpakadalubhasa sa larangan ng sining at musika.

 

 

  1. Kulang pa rin sa kakayahan at madaling maabuso ang mga makapagtatapos ng K to 12 program.
Photo by PDB News Hour

 

Madalas naaabuso o namamaltrato ang mga manggagawang menor de edad sa lugar ng trabaho. Sa dagdag na 2 taon K to 12 program, makakapagtapos ng high school ang mga estudyante sa edad na 18.

 

Sa edad na ito, mayroon na silang sapat na maturity at qualification para labanan ang unjust labor practices at igiit ng nararapat ng sweldo at working conditions sa hinaharap.

 

 

  1. Mas dadami lang ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangingibang bansa.
Photo by Travel Pod

 

Matagal nang laganap ang pagpunta ng mga mangagawa sa ibang bansa para makahanap ng trabaho bago pa man ang K to 12 Program. Kung may epekto man ang K to 12 Program sa mga OFW, positibo ito dahil matutulungan nito abutin ng mga OFW ang pamantayan ng ibang bansa.

 

Halimbawa na lang sa Thailand, mas mababa ang sahod ng mga manggagawang Pilipino kumpara sa kanilang mga katrabaho. Sa Qatar, bumabagsak lang sa pagiging technician ang mga kababayan nating mga engineer dahil kulang lang sila ng dalawang taon sa paaralan.

 

Magpapatuloy ang ganitong sitwasyon ng mga OFW kung ihihinto ang K to 12 program.

 

  1. Wala raw saysay ang programa dahil hindi naman nangingibang bansa ang karamihan sa mga Pilipino para lang mag-aral.
Photo by Sun Star

 

Hindi mo man ito kailangan, pero mayroon tayong batas na nagbibigay proteksyon sa karapatan ng bawat Pilipino na magkaroon ng dekalidad na edukasyon kahit saan man siyang sulok ng mundo.

 

Sa kasulukuyang curriculum, malaking pagsubok ang hinaharap ng mga Pilipinong mag-aaral sa ibang bansa. Halimbawa, ang mga Pilipinong nag-aaral ng post-graduate studies sa ilang bansa sa Europa ay nakatatangap lamang ng college diploma, imbis na Master’s degree, dahil kulang ng dalawang taon ang ating basic education curriculum.

 

 

  1. Hindi talaga sapat ang high schoolpara ihanda ang mga estudyante sa paghahanap ng trabaho. Kaya nga kailangan pang mag-aral ng college.
Photo by Inquirer.net

 

Sa totoo lang, ang pag-aaral ng high school ay isang paghahanda sa paghahanap ng trabaho at pagpasok kolehiyo. Ie-expose ng mga track ng K to 12 – academic, technical-vocational-livelihood, sports, at music and arts – ang mga mag-aaral sa mga practical learning experience na makapaghahanda sa kanila kapag nakahanap at natanggap sila sa trabaho. Bukod sa high school diploma, ang mga estudyante na pinili ang technical-vocational track ay makatatanggap ng certificate na maari nilang gamitin para makahanap ng trabaho pagkatapos ng kanilang graduation.

 

  1. Dahil sa mga madadagdag na subjects, magiging congestedpa rin ang bagong curriculum sa ilalim ng K to 12 Program
Photo by ATM Magazine

 

Sa ilalim ng K to 12 Program, ang lahat ng klase ay magtatagal lamang ng 6 na oras at 12 minuto. Dahil may dagdag na senior high school na, mababawasan ng halos 2 oras ang haba ng klase sa ilalim ng kasalukuyang curriculum.

 

  1. Karagdagang mga school facilityat mga guro – hindi ang pag-extend ng pag-aaral – ang kailangan ng gobyerno para matugunan ang mga kakulangan sa educational systemsa bansa.
Photo by Valenzuela City Public Information Office (PIO)

 

Ang K to 12 ay hindi lamang tungkol sa pagdagdag ng 2 taon sa high school. Kasabay din nito ang pagtugon sa iba pang mga pangangailan, tulad na dagdag na teachers at staff, classrooms at iba pang mga pasilidad.

 

  1. Dahil sa K to 12, may 80,000 college personnelang mawawalan ng trabaho.
Photo by Czarina Cabuco

 

Sobra ang numerong ito. Sa katunayan, sa pinakahuling tala ng CHED na inilabas ng noong May 4, aabot lamang sa 25,097 college personnel ang maapektuhan ng paninimula ng senior high school sa 2016.

 

Hindi ito dapat ikabahala dahil sa susunod na taon, kukuha ang DepEd ng 30,000 guro at 6,000 na kawani para maipatupad ang senior high school operations.

 

  1. Dadagdagan pa ng K to 12 ang teaching loadng mga guro.
    Photo by G Dutcher

     

    Hindi ito mangyayari sapagkat 6 na oras pa rin magtuturo ang guro alinsunod na rin sa batas.

     

    1. Produkto ng colonial mentality ng mga Pilipino ang K to 12.
Photo by Clarion School International

 

Kasama ang Pilipinas sa nalalabing 3 bansa (Angola and Djibouti) na mayroon pa ring 10 taon na basic education. Talagang napapag-iwanan na tayo.

 

Bago pa lang mahalal ang pangalawang pangulo ng Pilipinas, mayroon nang mga initiative at proposal na pahabain ang basic education system sa bansa simula 1925.

 

At dahil na rin sa mother-tongue based multi-lingual approach na ipinatutupad sa elementarya, itinataguyod ng K to 12 ang Filipino identity and culture sa murang edad pa lamang.