Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: Nationwide job fair caravan secures immediate employment for nearly 5000 Filipinos

Close to 5,000 Filipinos have secured immediate employment following a nationwide rollout of job fairs spearheaded by the office of Senate President Win Gatchalian.

“Inaasahan nating gaganda ang pamumuhay ng mga taong natulungan nating magkaroon ng trabaho lalo na ngayong mahina ang pag-usad ng ating ekonomiya,” said Gatchalian, emphasizing the importance of bringing livelihood opportunities directly to local communities outside major urban hubs.

​To date, the initiative has conducted 70 job fairs across the country, 27 in the National Capital Region (NCR) and 43 across various provinces, resulting in 4,718 applicants being hired on the spot. An additional 6,029 job seekers were classified as “near-hired” and are currently completing their pre-employment requirements.

According to him, about 1,423 potential employers participated in the various job fairs, offering 169,343 job vacancy positions.

Gatchalian said he is confident that a substantial number of Filipinos will be able to secure employment opportunities moving forward as his office is scheduled to hold more job fairs until the end of the year. “Kumpiyansa tayong mas marami pa tayong kababayan na matutulungan para magkaroon ng trabaho bago magtapos ang taon,” he added.

The various job fairs were conducted in partnership with the Department of Labor and the local government units concerned.


Gatchalian: Halos 5,000 Pilipino, agad na nagkatrabaho sa pamamagitan ng nationwide job fair caravan

Halos 5,000 Pilipino ang agad na nagkaroon ng trabaho matapos ang isinagawang sunod-sunod na job fair sa buong bansa na pinangunahan ng tanggapan ni Senate President Win Gatchalian.

“Inaasahan nating gaganda ang pamumuhay ng mga taong natulungan nating magkaroon ng trabaho lalo na ngayong mahina ang pag-usad ng ating ekonomiya,” pahayag ni Gatchalian, habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng direktang paghahatid ng mga oportunidad sa kabuhayan sa mga lokal na komunidad sa labas ng mga pangunahing lungsod.

Sa kasalukuyan, nakapagsagawa na ang inisyatibo ng 70 job fair sa buong bansa—27 sa National Capital Region (NCR) at 43 sa iba’t ibang lalawigan—na nagresulta sa agarang pagkatanggap o hired on the spot ng 4,718 aplikante. Bukod dito, may karagdagang 6,029 na naghahanap ng trabaho ang naklasipika bilang “near-hired” at kasalukuyan nang nagkukumpleto ng kanilang mga pre-employment requirements.

Ayon sa kanya, nasa 1,423 na mga potensyal na employer ang lumahok sa iba’t ibang job fair at nag-alok ng 169,343 na bakanteng posisyon.

Sinabi ni Gatchalian na kumpiyansa siyang mas marami pang Pilipino ang makakakuha ng trabaho sa mga susunod na panahon dahil nakatakda pang magsagawa ang kanyang tanggapan ng mas maraming job fair hanggang sa katapusan ng taon.

“Kumpiyansa tayong mas marami pa tayong kababayan na matutulungan para magkaroon ng trabaho bago magtapos ang taon,” dagdag pa niya.

Isinagawa ang iba’t ibang job fair sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa mga kaukulang lokal na pamahalaan (LGU).

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN