Senate President Win Gatchalian said the Senate is deeply committed to ensuring priority of high-impact programs in next year’s national budget to address the country’s prevailing economic slump.
“The national budget is the most critical driver of economic growth. We will ensure that the national budget for next year would not only deliver vital government services but would also stimulate economic expansion,” said Gatchalian ahead of the commencement of Senate deliberations on the proposed budget for next year, beginning Monday, November 23.
He emphasized priority support should be given to social support programs that would ease the burden of inflationary pressures on household spending as well as programs that would mitigate the impact of El Niño-induced drought on farm output.
Gatchalian also reiterated the Senate’s commitment to remove budget line items lacking complete documentary support and proper agency endorsement.
“Gusto din nating siguruhin na maipapatupad ng maayos ang transparency sa buong budgeting process. Natutuwa tayong makita na mas may kamalayan na ang ating mga kababayan sa budgeting process at gusto nating lumalim pa ang kanilang partisipasyon sa prosesyo na ito dahil makakatulong ito para maiwasan ang isyu ng korapsyon sa ating national budget,” he added.
Gatchalian: Senado, nakatuon sa pagtiyak na prayoridad ang mga programang may malaking epekto sa 2027 national budget upang pasiglahin ang paglago ng ekonomiya
Sinabi ni Senate President Win Gatchalian na lubos na nakatuon ang Senado sa pagtiyak na prayoridad sa pambansang budget sa susunod na taon ang mga programang may malaking epekto upang tugunan ang kasalukuyang pagbagal ng takbo ng ekonomiya ng bansa.
“Ang pambansang budget ang pinakamahalagang tagapagpasigla ng paglago ng ekonomiya. Titiyakin namin na ang pambansang budget para sa susunod na taon ay hindi lamang maghahatid ng mahahalagang serbisyo ng gobyerno kundi magpapasigla rin sa paglawak ng ekonomiya,” ani Gatchalian. Kasalukuyan ng ginagawa ang deliberasyon ng Senado sa panukalang budget para sa susunod na taon.
Binigyang-diin niya na dapat bigyan ng prayoridad na suporta ang mga social support programs na magpapagaan sa pasanin ng inflation sa gastusin ng mga pamilya, gayundin ang mga programang magpapabawas sa epekto ng tagtuyot na dulot ng El Niño sa produksyon ng sakahan.
Muling pinagtibay rin ni Gatchalian ang paninindigan ng Senado na alisin ang mga budget line item na kulang sa kumpletong dokumentasyon at kaukulang pag-endorso ng ahensya.
“Gusto din nating siguruhin na maipapatupad nang maayos ang transparency sa buong budgeting process. Natutuwa tayong makita na mas may kamalayan na ang ating mga kababayan sa budgeting process at gusto nating lumalim pa ang kanilang partisipasyon sa prosesong ito dahil makakatulong ito para maiwasan ang isyu ng korapsyon sa ating national budget,” dagdag pa niya.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN