Ahead of the Senate’s plenary deliberations on the proposed 2027 national budget, Senate President Win Gatchalian assured rigorous scrutiny of the allocation for the education sector to prevent critical learning and nutrition programs from getting derailed.
“Sa pagtalakay natin sa 2027 national budget, titiyakin nating magpapatuloy ang mga repormang kinakailangan sa sektor ng edukasyon upang itaguyod ang kapakanan ng ating mga mag-aaral at guro,“ said Gatchalian.
The Senate leader emphasized the need to build on the gains under the 2026 national budget, which allocated a record P1.3 trillion for the sector, equivalent to 4.4% of the country’s gross domestic product. Championed by Gatchalian in his previous stint as chair of the Senate Committee on Finance, such funding level is compliant with the benchmark set by the United Nations.
While the historic 2026 education budget significantly boosted classroom construction as well as learning and nutrition support initiatives such as the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program and the School-Based Feeding Program, the proposed education budget for next year represents a comparatively sharp reduction.
For instance, the National Expenditure Program (NEP) has no line budget allocation for the ARAL Program. ARAL has a budget allocation of P8.9 billion under the 2026 General Appropriations Act.
Also, the School-Based Feeding Program’s P11.43 billion under NEP is less than half of the P25.7 billion allocated under the 2026 GAA.
Gatchalian, titiyaking masusing susuriin ang panukalang 2027 education budget upang mapangalagaan ang mga nakamit sa edukasyon
Tiniyak ni Senate President Win Gatchalian na masusing susuriin ng Senado ang panukalang pondo para sa sektor ng edukasyon sa 2027 national budget, isang hakbang na aniya’y titiyak na hindi maaantala ang mahahalagang programa para sa pagkatuto at nutrisyon ng mga mag-aaral.
“Sa pagtalakay natin sa 2027 national budget, titiyakin nating magpapatuloy ang mga repormang kinakailangan sa sektor ng edukasyon upang itaguyod ang kapakanan ng ating mga mag-aaral at guro,” ani Gatchalian kasunod ng pagsisimula ng pagtalakay ng plenaryo ng Senado sa panukalang 2027 national budget.
Binigyang-diin ng lider ng Senado ang kahalagahan ng pagpapatuloy sa mga nakamit sa ilalim ng 2026 national budget, kung saan inilaan ang pinakamataas na pondo para sa sektor ng edukasyon sa kasaysayan ng bansa. Umabot sa P1.3 trillion ang pondo para sa sektor ng edukasyon, katumbas ng 4.4% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.
Noong nanungkulan si Gatchalian bilang Chairman ng Senate Committee on Finance, isinulong niya ang paglalaan ng ganitong antas ng pondo alinsunod sa mga pamantayang itinakda ng United Nations.
Sa ilalim ng makasaysayang 2026 education budget, nadagdagan nang mas malaking pondo ang pagpapatayo ng mga silid-aralan at mga programang tulad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program at School-Based Feeding Program. Gayunpaman, makikita ang malaking pagbaba ng pondo para sa mga naturang programa sa panukalang budget para sa susunod na taon.
Halimbawa, walang nakalaang line budget para sa ARAL Program sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa 2027. Sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA), may nakalaang P8.9 billion para sa programa.
Samantala, wala pang kalahati ng kasalukuyang pondo para sa School-Based Feeding Program ang panukalang P11.43 billion sa ilalim ng 2027 NEP. Mas mababa ito kumpara sa P25.7 billion na inilaan para sa programa sa ilalim ng 2026 GAA.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN