Senate President Win Gatchalian stressed the urgent need to revitalize foreign investment in the country by restoring it through policy stability and institutional transparency.
“Investor confidence is built on trust. We are taking direct steps to rebuild that trust by ensuring that public funds are spent efficiently, transparently, and on projects with verifiable economic value,” said Gatchalian, noting that foreign direct investment (FDI) net inflow fell 18.6% to $4.8 billion in the first eight months of the year from $5.9 billion a year earlier, based on data released by the Bangko Sentral ng Pilipinas.
To effectively restore investor confidence, the Senate is committed to enhancing public accountability, particularly in monitoring functional infrastructure essential to economic activities. As part of this effort, he recently announced that the Senate will remove 295 unsupported infrastructure projects worth P8.836 billion from the proposed national budget for next year.
He emphasized that the Senate will continue to drill down into the list of infrastructure projects in the proposed budget for 2027 to ensure full documentary compliance and that only projects aligned with economic priorities receive funding.
“Importante na mapalakas natin ang tiwala ng mga mamumuhunan kapag naipakita natin na seryoso ang gobyerno sa pagpapalakas ng ekonomiya sa pamamagitan ng mga tamang imprastraktura na pakikinabangan ng lahat,” he emphasized.
Gatchalian: Pagpapanumbalik ng tiwala ng mga mamumuhunan, susi sa pagpigil sa pagbaba ng FDI
Binigyang-diin ni Senate President Win Gatchalian ang agarang pangangailangan na pasiglahin muli ang dayuhang pamumuhunan sa bansa sa pamamagitan ng matatag na mga polisiya at pagiging bukas at tapat ng mga institusyon.
“Ang tiwala ng mga mamumuhunan ay nakasalalay sa katapatan. Gumagawa tayo ng mga direktang hakbang upang maibalik ang tiwalang iyan sa pamamagitan ng pagtiyak na ang pondo ng bayan ay ginagastos nang maayos, tapat, at sa mga proyektong may malinaw at napapatunayang halaga sa ekonomiya,” ani Gatchalian. Tinukoy niya na bumaba ng 18.6% ang net inflow ng foreign direct investment (FDI) sa $4.8 bilyon sa unang walong buwan ng taon mula sa $5.9 bilyon noong nakaraang taon, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Upang epektibong maibalik ang tiwala ng mga mamumuhunan, nakatuon ang Senado sa pagpapalakas ng pananagutan sa publiko, partikular sa pagbabantay sa mga kapaki-pakinabang na imprastrakturang mahalaga sa mga aktibidad ng ekonomiya. Bilang bahagi ng pagsisikap na ito, inihayag niya kamakailan na tatanggalin ng Senado ang 295 na proyektong pang-imprastraktura na walang sapat na batayan at nagkakahalaga ng P8.836 bilyon mula sa panukalang pambansang badyet para sa susunod na taon.
Binigyang-diin niya na patuloy na bubusisiin ng Senado ang listahan ng mga proyektong pang-imprastraktura sa panukalang badyet para sa 2027 upang matiyak ang kumpletong pagsunod sa mga dokumento at masiguro na ang mga proyektong nakahanay lamang sa mga prayoridad ng ekonomiya ang makatatanggap ng pondo.
“Importante na mapalakas natin ang tiwala ng mga mamumuhunan kapag naipakita natin na seryoso ang gobyerno sa pagpapalakas ng ekonomiya sa pamamagitan ng mga tamang imprastraktura na pakikinabangan ng lahat,” diin niya.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN