Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian: Senate wants businesses to have flexibility in choosing electricity supplier amid rate hikes

Amid the continuing hike in electricity rates, the Senate is committed to ensuring the full and effective implementation of the Retail Competition and Open Access (RCOA) framework to enable consumers, including businesses, to choose their electricity supplier with the most competitive rates, Senate President Win Gatchalian said.

“Malinaw ang layunin ng RCOA. Nais nitong bigyan ang mga konsumer ng kapangyarihang mamili ng supplier ng kuryente na may mas magandang presyo at serbisyo,” Gatchalian told business leaders at the recent annual summit of the Federation of Philippine Industries, where he was the keynote speaker.

He emphasized that giving businesses the opportunity to choose their energy supplier enables them to gain greater control over their energy costs. This, in turn, provides them the opportunity to access more competitive rates rather than relying solely on price reductions from a single distribution utility.

In September, for example, the generation charge of a major distributor is at a weighted average of P9.7032 per kilowatt hour (kWh). By comparison, the weighted average price in RCOA for the third quarter is P5.77/kWh. This represents potential savings of 40% on the generation component, he said.

Under the RCOA framework, eligibility was expanded in June this year to include any customer with an average monthly peak demand of 100 kilowatts (kW) or more, adding an estimated 12,000 new end-users to the 2,300 who had already transitioned.


Gatchalian: Nais ng Senado na magkaroon ng flexibility ang mga negosyo sa pagpili ng supplier ng kuryente sa gitna ng mga pagtaas ng singil

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente, nakatuon ang Senado sa pagtiyak ng buo at epektibong pagpapatupad ng Retail Competition and Open Access (RCOA) framework upang bigyang-daan ang mga konsumer, kabilang ang mga negosyo, na makapili ng kanilang supplier ng kuryente na may pinakamababang singil, ayon kay Senate President Win Gatchalian.

“Malinaw ang layunin ng RCOA. Nais nitong bigyan ang mga konsumer ng kapangyarihang mamili ng supplier ng kuryente na may mas magandang presyo at serbisyo,” pahayag ni Gatchalian sa mga pinuno ng negosyo sa katatapos lang na taunang summit ng Federation of Philippine Industries, kung saan siya ang naging pangunahing tagapagsalita.

Binigyang-diin niya na ang pagbibigay sa mga negosyo ng pagkakataong pumili ng kanilang supplier ng enerhiya ay nagbibigay sa kanila ng higit na kontrol sa kanilang mga gastusin sa kuryente. Ito naman ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataong makakuha ng mas mabababang singil sa halip na umasa lamang sa mga bawas-presyo mula sa iisang distribution utility.

Noong Setyembre, halimbawa, ang generation charge ng isang malaking distributor ay nasa weighted average na P9.7032 kada kilowatt hour (kWh). Kung ihahambing, ang weighted average price sa RCOA para sa ikatlong kuwarter ay P5.77/kWh. Kinakatawan nito ang potensyal na makatipid ng 40% sa component ng generation charge, aniya.

Sa ilalim ng RCOA framework, pinalawak ang kwalipikasyon noong Hunyo ngayong taon upang isama ang sinumang customer na may average monthly peak demand na 100 kilowatts (kW) o higit pa, na nagdagdag ng tinatayang 12,000 bagong end-user sa 2,300 na lumipat na.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN