Amid observance of the National Children’s Month this November, Senate President Win Gatchalian pressed the need to ensure the safety and welfare of children in the country’s El Niño response.
Highlighting the vulnerability of children to El Niño-related hazards,Gatchalian emphasized the need to protect children’s health. He pointed to risks such as heat-related diseases, dehydration, waterborne diseases, and worsening malnutrition, among others.
To mitigate such risks, Gatchalian urged local government units (LGUs) to establish strong coordination with the Department of Health, the Department of Education (DepEd), and water utilities to guarantee continuous access to safe drinking water and adequate sanitation facilities in schools and communities.
He also called on LGUs to monitor heat-related diseases while ensuring adequate oral rehydration supplies and essential medicines. Gatchalian further emphasized the need for contingency measures to ensure continuity of feeding programs.
“Sa pagtugon natin sa banta ng El Niño, tiyakin nating maitataguyod ang kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng mga bata, lalo na’t kabilang sila sa mga higit na nanganganib sa masamang epekto nito,” he said.
Gatchalian previously warned that blanket class suspensions due to extreme heat could worsen learning loss. Instead of blanket suspensions, the Senate leader sought localized and granular suspension of classes to mitigate disruptions to learning.
National Children’s Month: Gatchalian, nanawagang tiyakin ang kapakanan ng mga bata sa pagtugon sa El Niño
Sa gitna ng paggunita ng National Children’s Month ngayong Nobyembre, iginiit ni Senate President Win Gatchalian ang pangangailangang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga bata sa pagtugon ng bansa sa banta ng El Niño.
Binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangang pangalagaan ang kalusugan ng mga bata, lalo na’t kabilang sila sa mga higit na nanganganib sa mga epekto ng El Niño. Kabilang sa mga panganib na ito ang heat-related diseases, dehydration, waterborne diseases, at paglala ng malnutrisyon.
Upang maiwasan ang mga naturang panganib, hinimok ni Gatchalian ang mga local government unit (LGU) na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at mga water utility upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng malinis at ligtas na inuming tubig, at sapat na sanitation facilities sa mga paaralan at komunidad.
Nanawagan din si Gatchalian sa mga LGU na bantayan ang paglaganap ng mga sakit na dulot ng matinding init at tiyaking may sapat na suplay ng oral rehydration solution at mahahalagang gamot. Binigyang-diin din ng Pangulo ng Senado ang pangangailangang magpatupad ng mga contingency measure upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga feeding program.
“Sa pagtugon natin sa banta ng El Niño, tiyakin nating maitataguyod ang kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng mga bata, lalo na’t kabilang sila sa mga higit na nanganganib sa masamang epekto nito,” ani Gatchalian.
Nauna nang nagbabala si Gatchalian na maaaring magpalala ng learning loss ang malawakang suspensyon ng mga klase dahil sa matinding init. Sa halip na blanket class suspensions, iginiit ni Gatchalian ang pagpapatupad ng localized at granular class suspensions upang mabawasan ang pagkaantala sa edukasyon ng mga mag-aaral.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN