In line with the observance of the National Reading Month this November, Senate President Win Gatchalian is seeking the active mobilization of local government units (LGUs) to build on reading gains and combat illiteracy across the country.
While acknowledging the country’s improved Reading performance in the 2025 Programme for International Student Assessment (PISA), Gatchalian emphasized the need for continued reforms to ensure that Filipino learners achieve literacy. He pointed out that approximately seven in 10 Filipino learners aged 15 are still below minimum reading proficiency.
To address the gap, the Senate President highlighted the need for stronger local intervention alongside existing initiatives such as the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) program.
Under Senate Bill 628 or the National Literacy Council Act, Gatchalian is proposing the designation of Local School Boards as de facto local literacy councils. These councils will be tasked with formulating data-driven local roadmap to combat illiteracy, guided by relevant measurable targets and indicators.
“Sa pag-angat natin sa literacy at sa kakayahan ng ating mga mag-aaral na bumasa, mahalaga ang papel ng ating mga LGUs, lalo na’t mas nauunawaan nila ang mga hamon at pangangailangan ng mga nasasaklaw nilang mag-aaral,” said Gatchalian.
National Reading Month: Pagpapakilos sa mga LGU upang sugpuin ang illiteracy isinusulong ni Gatchalian
Sa gitna ng pagdiriwang ng National Reading Month ngayong Nobyembre, isinusulong ni Senate President Win Gatchalian ang aktibong pagpapakilos at pakikilahok ng mga local government units (LGUs) upang higit pang maiangat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa at labanan ang illiteracy sa buong bansa.
Bagama’t kinilala ni Gatchalian ang pag-angat ng performance ng bansa sa Reading sa ilalim ng 2025 Programme for International Student Assessment (PISA), binigyang-diin niya ang pangangailangang ipagpatuloy ang mga reporma upang matiyak na makakamit ng mga mag-aaral ang literacy. Binigyan diin niyang humigit-kumulang pito sa bawat 10 mag-aaral na Pilipino na may edad 15 ang hindi pa rin nakakaabot sa minimum reading proficiency o nananatiling walang sapat na kakayahang bumasa.
Upang matugunan ang kakulangang ito, binigyang-diin ng Senate President ang pangangailangang palakasin ang mga lokal na interbensyon kasabay ng pagpapatupad ng mga umiiral na programa tulad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 628 o ang National Literacy Council Act, isinusulong ni Gatchalian ang pagtatalaga sa mga Local School Board bilang mga local literacy council. Magiging tungkulin ng mga konsehong ito ang pagbuo ng mga data-driven local roadmap upang sugpuin ang illiteracy, batay sa mga kaugnay at nasusukat na target at indicator.
“Sa pag-angat natin sa literacy at sa kakayahan ng ating mga mag-aaral na bumasa, mahalaga ang papel ng ating mga LGUs, lalo na’t mas nauunawaan nila ang mga hamon at pangangailangan ng mga nasasaklaw nilang mag-aaral,” ani Gatchalian.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN