Senate President Win Gatchalian said the Senate would axe 295 infrastructure projects worth P8.836 billion from the proposed 2027 national budget, citing missing necessary documentation from the Department of Public Works and Highways (DPWH).
“The Senate is committed unequivocally in weeding out unsubstantiated line items, including those lacking concrete and verifiable technical support, to ensure that every item in the final version is shovel-ready. Unverifiable line items will not receive a single peso of public funding,” Gatchalian emphasized.
Gatchalian’s pronouncement follows a letter from former DPWH Secretary Vince Dizon which disclosed that 295 projects were found to be “non-compliant” based on evaluation conducted by the agency. Such evaluation was triggered by 8 types of “red-flags” pointed out by Gatchalian during the recent Senate hearing on the DPWH’s proposed budget for 2027.
During the Senate hearing held last September 25 on DPWH’s proposed budget, Gatchalian revealed that more than 62% or 7,107 projects out of the total 11,395 infrastructure projects reviewed by his office, had at least one major budgetary red flag. Projects identified as red flags include those lacking station numbers and geographical coordinates, lump-sum projects, overlapping or fragmented projects, those with conflicting types of work, among others.
The “red-flags” identified by Gatchalian were from a review of projects included in the National Expenditure Program, the proposed national budget prepared by the executive department.
According to him, the Senate will be exercising zero-tolerance for infrastructure line items lacking technical support.
“Malinaw ang mandato ng Senado, kung walang kaukulang dokumento, walang pondo. Kailangan nating siguruhin na walang puwang ang pang-aabuso sa kaban ng bayan lalo na ngayong mahina ang usad ng ekonomiya at importante ang bawat piso para pasiglahin muli ito,” he added.
Gatchalian: Tatanggalin ng Senado ang ₱8.836 Bilyong halaga ng walang suportang proyektong imprastraktura sa panukalang 2027 budget
Sinabi ni Senate President Win Gatchalian na tatanggalin ng Senado ang 295 proyektong imprastraktura na nagkakahalaga ng ₱8.836 bilyon mula sa panukalang 2027 pambansang badyet, dahil sa kawalan ng kinakailangang dokumentasyon mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
“Buo ang commitment ng Senado sa pag-aalis ng mga line items na walang sapat na batayan, kabilang ang mga walang kongkreto at mapapatunayang suportang teknikal, upang matiyak na bawat item sa pinal na bersyon ay handa nang simulan. Ang mga line items na ito ay hindi makatatanggap ng kahit isang piso ng pampublikong pondo,” diin ni Gatchalian.
Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng isang liham mula kay dating DPWH Secretary Vince Dizon na nagbunyag na 295 proyekto ang natuklasang “non-compliant” batay sa ebalwasyong isinagawa ng ahensya. Ang nasabing ebalwasyon ay nag-ugat sa 8 uri ng “red-flags” na itinuro ni Gatchalian sa nakaraang pagdinig ng Senado sa panukalang badyet ng DPWH para sa 2027.
Sa pagdinig ng Senado noong Setyembre 25 ukol sa panukalang badyet ng DPWH, ibinunyag ni Gatchalian na higit sa 62% o 7,107 proyekto mula sa kabuuang 11,395 proyektong imprastraktura na sinuri ng kanyang opisina ang mayroong isang pangunahing red flag sa badyet. Kabilang sa mga proyektong tinukoy bilang red flag ay ang mga walang station number at geographical coordinates, mga lump-sum na proyekto, nagpapatong-patong o nahahating proyekto, at ang mga may magkakasalungat na uri ng trabaho, bukod sa iba pa.
Ang mga “red-flags” na itinuro ni Gatchalian ay nagmula sa pagsusuri ng mga proyektong nakapaloob sa National Expenditure Program, ang panukalang pambansang badyet na inihanda ng ehekutibong departamento.
Ayon sa kanya, magpapatupad ang Senado ng zero-tolerance para sa mga pondo ng imprastraktura na walang suportang teknikal.
“Malinaw ang mandato ng Senado, kung walang kaukulang dokumento, walang pondo. Kailangan nating siguruhin na walang puwang ang pang-aabuso sa kaban ng bayan lalo na ngayong mahina ang usad ng ekonomiya at importante ang bawat piso para pasiglahin muli ito,” dagdag pa niya.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN