Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian optimistic BARMM well on its way to lasting peace, economic development 

Senate President Win Gatchalian expressed optimism that the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) is now well on its way to lasting peace and an economic development long overdue.

“Binabati natin ang mga kababayan natin sa BARMM at si Abdulraof Macacua sa pagkakaluklok nya bilang chief minister ng buong rehiyon. Naniniwala tayong isusulong ng bagong liderato ang good governance at sa tulong ng mga stakeholders, itataguyod nya ang pag-unlad ng ekonomiya at kapakanan ng bawat isa sa rehiyon,” said Gatchalian.

The Senate President made the statement as members of parliament of BARMM recently convened for their inaugural session, where Macacua was elected chief minister.

According to Gatchalian, political blocs, civil society organizations and local government units should rally behind the newly elected BARMM administration to ensure stability and inclusive development.

“Matagal na inasam ng lahat ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa BARRM at sa buong Mindanao. Kumpiyansa tayong makakamit natin ang pangarap nating mas maunlad na komunidad para sa ating mga kapatid na Muslim at sa buong Mindanao,” he added.


Gatchalian, positibo na patungo ang  BARMM sa pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad ng ekonomiya

Positibo si Senate President Win Gatchalian na patungo na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa matagalang kapayapaan at sa matagal nang inaasam na pag-unlad ng ekonomiya.

“Binabati natin ang mga kababayan natin sa BARMM at si Abdulraof Macacua sa pagkakaluklok nya bilang chief minister ng buong rehiyon. Naniniwala tayong isusulong ng bagong liderato ang good governance at sa tulong ng mga stakeholders, itataguyod nya ang pag-unlad ng ekonomiya at kapakanan ng bawat isa sa rehiyon,” pahayag ni Gatchalian.

Ginawa ng Senate President ang pahayag pagkatapos magtipon kamakailan ang mga miyembro ng parlamento ng BARMM para sa kanilang inaugural session, kung saan inihalal si Macacua bilang chief minister.

Ayon kay Gatchalian, dapat magkaisa ang mga grupong pulitikal, mga civil society organizations, at mga lokal na pamahalaan sa likod ng bagong halal na administrasyon ng BARMM upang matiyak ang katatagan at inklusibong pag-unlad.

“Matagal na inasam ng lahat ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa BARMM at sa buong Mindanao. Kumpiyansa tayong makakamit natin ang pangarap nating mas maunlad na komunidad para sa ating mga kapatid na Muslim at sa buong Mindanao,” dagdag pa niya.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN