Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian to DepEd: Don’t let El Niño exacerbate learning loss

Senate President Win Gatchalian urged the Department of Education (DepEd) to ensure that the agency’s El Niño protocols uphold student safety without worsening learning loss.

Gatchalian pressed the need to implement localized instead of blanket class suspensions, warning that sweeping cancellations could further exacerbate learning loss and deepen the country’s education crisis.  

“Hindi lang ang kaligtasan ng mga mag-aaral ang pinagbabantaan ng El Niño, kundi pati na rin kakayahan nilang matuto. Kailangang tiyakin nating hindi uurong ang kaalaman ng ating mga mag-aaral dahil palalalain nito ang krisis natin sa edukasyon,” said Gatchalian. 

A policy note by the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) found that a typical public elementary school lost 20 teaching days for School Year 2025-2026 because of hazard-related class suspensions. The policy note also found that for every suspended school day, around 1.4 days of reading progress was lost. 

The DepEd recently announced its 4H Framework, which guides the suspensions of learning activities amid the threat of El Niño. Under the framework, all physical and home-based activities will be suspended when the heat index reaches 42°C and above. 


Gatchalian: paglala ng learning loss dahil sa El Niño, kailangang iwasan

Hinimok ni Senate President Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyaking itataguyod ng mga El Niño protocol nito ang kaligtasan ng mga mag-aaral nang hindi pinalalala ang learning loss.

Sa halip na blanket suspensions, binigyang-diin ni Gatchalian na dapat localized ang pagsuspinde ng klase. Babala niya, maaaring magpalala sa learning loss at magpalubha sa krisis sa edukasyon ang malawakang suspensyon ng mga klase.

“Hindi lang ang kaligtasan ng mga mag-aaral ang pinagbabantaan ng El Niño, kundi pati na rin kakayahan nilang matuto. Kailangang tiyakin nating hindi uurong ang kaalaman ng ating mga mag-aaral dahil palalalain nito ang krisis natin sa edukasyon,” ani Gatchalian.

Batay sa isang policy note ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), nawalan ng 20 teaching days ang isang karaniwang pampublikong elementarya noong School Year 2025-2026 dahil sa mga class suspension dulot ng iba’t ibang panganib. Natuklasan din sa policy note na sa bawat araw ng suspensyon ng klase, katumbas ng humigit-kumulang 1.4 araw ng reading progress ang nawawala sa mga mag-aaral.

Kamakailan, inilunsad ng DepEd ang 4H Framework na magsisilbing gabay sa pagsususpinde ng mga learning activity sa gitna ng banta ng El Niño. Sa ilalim ng framework, sususpindehin ang lahat ng physical at home-based learning activities kapag umabot sa 42°C o mas mataas ang heat index.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN