The government should be ready to provide urgent financing support for micro, small and medium enterprises (MSMEs), including the agriculture sector, amid expectations of slower economic growth due to a combination of downside risks.
Part of such support should include soft loans for micro, small and medium enterprises (MSMEs) and the agriculture sector following the recent decision of the central bank to hike interest rates by 50 basis points.
Gatchalian warned that high interest rates could substantially reduce access to credit at a time when local businesses need support most.
“Mabagal na nga ang pag-usad ng ekonomiya tapos tumaas pa ang interest rates. Ayaw natin na marami sa ating mga kababayan ang mawalan ng trabaho at tumaas pa lalo ang ating unemployment rate,” he said.
Aside from high interest rates, other economic drawbacks include an elevated inflation rate coming from high petroleum products amid continuing tensions in the Middle East, an extreme El Niño phenomenon, and prevailing negative investor confidence amid government corruption issues, he said.
“Hindi nating pwedeng pabayaan ang private sector, lalo na sa panahon na mabagal ang used ng ekonomiya. Kailangan manguna ang gobyerno sa pagbibigay ng suporta,” he added.
Gatchalian: Dapat handang magkaloob ng suportang pinansyal para sa mga MSME, sektor ng agrikultura sa gitna ng inaasahang mas mabagal na paglago ng ekonomiya
Dapat maging handa ang pamahalaan na magkaloob ng agarang suportang pinansyal para sa mga micro, small, and medium enterprise (MSME), kabilang ang sektor ng agrikultura, sa gitna ng mga inaasahang mas mabagal na paglago ng ekonomiya dulot ng kumbinasyon ng mga downside risk.
Bahagi ng naturang suporta ay dapat kabilangan ng mga soft loan para sa mga micro, small, and medium enterprise (MSME) at sektor ng agrikultura kasunod ng kamakailang desisyon ng bangko sentral na magtaas ng interest rate nang 50 basis points.
Nagbabala si Gatchalian na ang matataas na interest rate ay maaaring magdulot ng malaking pagbawas sa access sa kredito sa panahong higit na kailangan ng mga lokal na negosyo ang suporta.
“Mabagal na nga ang pag-usad ng ekonomiya tapos tumaas pa ang interest rates. Ayaw natin na marami sa ating mga kababayan ang mawalan ng trabaho at tumaas pa lalo ang ating unemployment rate,” aniya.
Bukod sa matataas na interest rate, kabilang sa iba pang mga banta sa ekonomiya ang mataas na antas ng imflation dulot ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East, matinding El Niño phenomenon, at umiiral na negatibong kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa gitna ng mga isyu ng korapsyon sa pamahalaan, aniya.
“Hindi nating pwedeng pabayaan ang private sector, lalo na sa panahon na mabagal ang usad ng ekonomiya. Kailangan manguna ang gobyerno sa pagbibigay ng suporta,” dagdag pa niya.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN