Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian affirms commitment to fund ARAL program 

Senate President Win Gatchalian reiterated his commitment to secure funding for the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program to sustain gains in student literacy.

“Ito naman ang ating commitment sa DepEd dahil kung maganda yung programa, kailangang mapondohan para ma-sustain iyong gains,” Gatchalian said during the Senate Committee on Finance’s briefing on the proposed 2027 budget of the Department of Education (DepEd) and its attached agencies. 

Citing an impact evaluation by the DepEd, nonprofit Youth Impact, and the World Bank, Gatchalian pointed out that 1.37 million learners moved out of the struggling reader category because of the ARAL Program. 

Following implementation of the ARAL program, 730,000 learners are now reading at their proper grade level. The program also improved reading proficiency among Grades 1-3 learners by 37% in a standard school year. 

During his stint as Chairman of the Senate Committee on Finance, Gatchalian championed the allocation of a record P8.9 billion for the program. The 2027 National Expenditure Program, however, lacks a dedicated line item allocation for the ARAL program.

To maintain and expand learning gains, DepEd is requesting P15.63 billion to fund the ARAL Program for 2027.


Paglalaan ng pondo para sa ARAL program, muling tiniyak ni Gatchalian

Muling tiniyak ni Senate President Win Gatchalian na isusulong niya ang paglalaan ng pondo para sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) program upang lalo pang maiangat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa.

“Ito naman ang ating commitment sa DepEd dahil kung maganda yung programa, kailangang mapondohan para maipagtuloy ang maganda nitong resulta,” pahayag ni Gatchalian sa pagdinig ng Senate Committee on Finance tungkol sa panukalang 2027 budget ng Department of Education (DepEd) at mga kalakip nitong ahensya.

Binalikan ni Gatchalian ang isang impact evaluation na isinagawa ng DepEd, nonprofit organization na Youth Impact, at World Bank. Ayon sa pag-aaral, natulungan ng ARAL program ang 1.37 million learners na makaahon mula sa kategorya ng mga struggling learners o nahihirapang bumasa.

Kasunod ng pagpapatupad ng ARAL program, umabot na sa 730,000 ang bilang ng mga mag-aaral na nakakabasa na nang naaayon sa kanilang grade level. Napataas din ng programa nang 37% ang reading proficiency ng mga mag-aaral mula Grades 1-3 sa loob ng isang regular na school year.

Noong nanungkulan bilang Chairman ng Senate Committee on Finance, isinulong ni Gatchalian ang paglalaan ng makasaysayang P8.9 billion para sa ARAL Program. Gayunpaman, walang nakalaang pondo o dedicated line item para sa programa sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP).

Upang mapanatili at higit pang mapalawak ang mga nakamit na pag-unlad sa pagkatuto ng mga mag-aaral, humihiling ang DepEd ng P15.63 billion para sa pagpapatupad ng ARAL Program sa 2027.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN