Senate President Win Gatchalian called on the Department of Energy (DOE) and the Energy Regulatory Commission (ERC) to penalize erring stakeholders in the energy sector to deter unwarranted increases in electricity prices.
“Bukod sa brownout alerts, napakataas pa ng presyo ng kuryente sa Visayas at Mindanao. Hindi natin pwedeng palampasin ito, kailangan ng DOE ng kongkretong solusyon,” said Gatchalian at a hearing on the proposed measure to amend the Oil Deregulation Law, as he flagged power interruptions in Visayas and Mindanao amid prevailing high electricity rates.
The Senate President stressed that regulatory authorities must step in decisively to protect consumers from systemic inefficiencies and market exploitation.
“Kung hindi nagpe-perform o nag-aabuso ang mga power generation players, kailangang patawan ng mabigat na penalty. Ang DOE bilang policymaker at ang ERC bilang regulator ay kailangang magtulungan. Sawang-sawa na ang taumbayan sa mataas na singil at brownout. Kaya patuloy naming kukulitin at babantayan ang DOE at ERC hangga’t hindi nareresolba ang krisis na ito,” he emphasized.
Amid continuing tensions in the Middle East, the DOE should consistently conduct an audit of fuel pass-through charges to ensure that energy players do not take advantage of the volatility in global oil prices, he said.
“Nakita natin na ang gobyerno naging inutil pagdating sa monitoring ng presyo at maging sa paglalagay ng tamang presyo na binabayaran ng ating mga consumers. Sa ganitong abnormal situation o krisis, hindi pwedeng manatiling inutil ang gobyerno. Dapat may kapangyarihan ang pamahalaan na protektahan ang mamamayan. Kung ang consumers natin ay naaabuso dahil abnormal ang sitwasyon, sa gobyerno lang sila tatakbo,” he added.
Gatchalian, nanawagan sa DOE at ERC na patawan ng parusa ang mga hindi maayos na energy players sa gitna ng mga brownout at mataas na singil sa kuryente
Nanawagan si Senate President Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na patawan ng parusa ang mga nagkakamaling stakeholder sa sektor ng enerhiya upang mapigilan ang hindi makatwirang pagtaas ng presyo ng kuryente.
“Bukod sa brownout alerts, napakataas pa ng presyo ng kuryente sa Visayas at Mindanao. Hindi natin pwedeng palampasin ito, kailangan ng DOE ng kongkretong solusyon,” giit ni Gatchalian sa isang kamakailang pagdinig kaugnay ng panukalang amyendahan ang Oil Deregulation Law, habang binibigyang-diin ang mga nawawalan ng supply ng kuryente sa Visayas at Mindanao sa gitna ng patuloy na mataas na singil sa kuryente.
Binigyang-diin ng Senador na dapat gumawa ng direktang hakbang ang mga regulatory authority upang protektahan ang mga consumer laban sa mga kapalpakan sa sistema at pagsasamantala sa merkado.
“Kung hindi nagpe-perform o nag-aabuso ang mga power generation players, kailangang patawan ng mabigat na penalty. Ang DOE bilang policymaker at ang ERC bilang regulator ay kailangang magtulungan. Sawang-sawa na ang taumbayan sa mataas na singil at brownout. Kaya patuloy naming kukulitin at babantayan ang DOE at ERC hangga’t hindi nareresolba ang krisis na ito,” aniya.
Sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East, ipinahayag din niya na dapat regular na magsaayos ang DOE ng audit sa mga fuel pass-through charge upang matiyak na hindi sasamantalahin ng mga energy player ang paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
“Nakita natin na ang gobyerno naging inutil pagdating sa monitoring ng presyo at maging sa paglalagay ng tamang presyo na binabayaran ng ating mga consumers. Sa ganitong abnormal situation o krisis, hindi pwedeng manatiling inutil ang gobyerno. Dapat may kapangyarihan ang pamahalaan na protektahan ang mamamayan. Kung ang consumers natin ay naaabuso dahil abnormal ang sitwasyon, sa gobyerno lang sila tatakbo,” dagdag pa niya.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN