Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian urges PNOC to seize opportunity to establish strategic petroleum reserves

 Senate President Win Gatchalian urged the Philippine National Oil Company (PNOC) to seize the opportunity for the country to establish a strategic petroleum reserves (SPR) through a prospective partnership with the Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC).

According to Gatchalian, ADNOC is keen on establishing such a facility in the Philippines, which would provide the country a rare, low-risk opportunity to tap oil reserves, if needed.  He said ADNOC is prepared to shoulder major operational requirements provided suitable land is allocated for the facility.

A state-owned company of Abu Dhabi, UAE, ADNOC is one of the world’s largest oil producing firm.

“Ang PNOC, aside from the Malampaya cash flow, ang next asset niya ay lupa. So yung lupa na yun ang pwedeng pagtayuan nitong mga strategic petroleum reserves. So sa PNOC, huwag na tayong mag-dilly-dally. Kasi itong ADNOC ready na,” Gatchalian said at a recent Senate hearing on the proposed measure to amend the Downstream Oil Deregulation Act of 1998.

“Ang kailangan lang nila lupa, bahala na sila sa tangke, bahala na sila sa inventory. They want to also sign an arrangement wherein we have right of first refusal. So maganda yun, hulog ng langit yan para sa atin,” he added.

The Senate President emphasized that establishing a strategic petroleum reserve is vital to safeguarding the nation against global fuel supply disruptions and price volatility. By building dedicated fuel reserves, the Philippines can ensure energy resilience and maintain economic stability during international crises or emergencies.

Gatchalian and Senate Energy Chair Senator Erwin Tulfo recently met with ADNOC representatives.


Gatchalian, hinimok ang PNOC na samantalahin ang pagkakataong magtatag ng strategic petroleum reserves

Hinimok ni Senate President Win Gatchalian ang Philippine National Oil Company (PNOC) na samantalahin ang pagkakataon para sa bansa na magtatag ng strategic petroleum reserves (SPR) sa pamamagitan ng isang pakikipagtulungan sa Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC).

Ayon kay Gatchalian, interesado ang ADNOC na magtayo ng ganitong pasilidad sa Pilipinas, na magbibigay sa bansa ng isang pagkakataon na mapakinabangan ang mga reserbang langis kung kinakailangan. Sinabi niya na handa ang ADNOC na balikatin ang mga pangunahing pangangailangan sa operasyon basta’t may nakalaang angkop na lupa para sa pasilidad.

Isang kumpanyang pagmamay-ari ng estado ng Abu Dhabi, UAE, ang ADNOC ay isa sa mga pinakamalaking kumpanya ng produksyon ng langis sa buong mundo.

“Ang PNOC, bukod sa Malampaya cash flow, ang susunod na asset niya ay lupa. So yung lupa na yun ang pwedeng pagtayuan nitong mga strategic petroleum reserves. So sa PNOC, huwag na tayong mag-dilly-dally. Kasi itong ADNOC ready na,” sabi ni Gatchalian sa isang kamakailang pagdinig sa Senado ukol sa iminumungkahing batas na mag-aamyenda sa Downstream Oil Deregulation Act of 1998.

“Ang kailangan lang nila lupa, bahala na sila sa tangke, bahala na sila sa inventory. Nais din nilang lumagda sa isang kasunduan kung saan mayroon tayong right of first refusal. So maganda yun, hulog ng langit yan para sa atin,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ng Senate President na ang pagtatatag ng isang strategic petroleum reserve ay napakahalaga upang maprotektahan ang bansa laban sa mga pagkagambala sa suplay ng krudo at sa pabago-bagong presyo nito. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga nakalaang reserba ng produktong petrolyo, masisiguro ng Pilipinas ang katatagan sa enerhiya at mapapanatili ang establisidad ng ekonomiya sa panahon ng mga pandaigdigang krisis o emergency.

Kamakailan lang ay nagpulong sina Gatchalian at ang Chair ng Senate Energy Committee na si Senador Erwin Tulfo kasama ang mga kinatawan ng ADNOC.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN