Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Urges DILG, PNP to Step Up Crime Prevention Campaign to Sustain Index Crime Reduction

Senate President Win Gatchalian urged the Department of the Interior and Local Government (DILG) and the Philippine National Police (PNP) to sustain the agencies’ campaign against criminality.

Gatchalian made the call at a recent Senate hearing on the proposed budget of the DILG and its attached agencies for 2027.

“I don’t want to oversimplify the problem. The index crime volume is down 5 percent, and that means efforts are being done on the ground, but how to sustain such efforts is the challenge,” he said.

Under the DILG’s year-end report last year, index crime volume declined 5.43% to 32,948 incidents. Index crimes are serious offenses that occur with enough regularity to serve as an indicator of the overall crime rate and safety. Such crimes include murder, homicide, robbery, carnapping, rape, and physical injuries.

According to Gatchalian, the Senate is willing to provide the necessary budgetary support to enable the DILG and PNP to sustain their crime-prevention efforts.

Asked by the senator what measures could help curb criminality, Remulla said that repealing Republic Act No. 8294 would help deter crimes as the law made illegal possession of loose firearms a bailable offense.


Gatchalian, Hinimok ang DILG at PNP na paitingin ang kampanya sa pagsugpo ng krimen upang mapanatili ang pagbaba ng index crime

Hinimok ni Senate President Win Gatchalian ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Philippine National Police (PNP) na ipagpatuloy at panatilihin ang kampanya ng mga ahensya laban sa kriminalidad.

Ipinanawagan ito ni Gatchalian sa isang kamakailang pagdinig sa Senado hinggil sa panukalang badyet ng DILG at ng mga kaugnay na ahensya nito para sa taong 2027.

“Ayaw kong gawing masyadong simple ang problema. Bumaba ng 5 porsiyento ang dami ng index crime, at nangangahulugan iyon na may mga pagsisikap na ginagawa sa field, ngunit kung paano papanatilihin ang gayong mga pagsisikap ang siyang hamon,” aniya.

Sa ilalim ng taunang ulat ng DILG noong nakaraang taon, bumaba ng 5.43% ang dami ng index crime tungo sa 32,948 na insidente. Ang mga index crime ay mga seryosong krimen na madalas mangyari kaya ginagamit itong sukatan ng pangkalahatang antas ng krimen at kaligtasan. Kabilang sa mga naturang krimen ang murder, homicide, robbery, carnapping, rape, at physical injuries.

Ayon kay Gatchalian, handa ang Senado na magbigay ng kinakailangang suporta sa badyet upang matulungan ang DILG at PNP na maipagpatuloy ang kanilang mga pagsisikap sa pagpigil sa krimen.

Nang tanungin ng senador kung anong mga hakbang ang makatutulong upang masugpo ang kriminalidad, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang pagpapawalang-bisa sa Republic Act No. 8294 ay makatutulong upang maiwasan ang mga krimen, dahil ginawa ng naturang batas na isang krimeng pwedeng magpiyansa ang ilegal na paghawak ng mga loose firearm.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN