Win Tayong Lahat

WIN sa balita

National School Safety Week: Gatchalian calls for stronger security measures in schools

Senate President Win Gatchalian pressed the need for stronger security measures in schools following a recent spate of violent incidents involving learners amid the country’s observance of the National School Safety Week.

“Ang ating mga paaralan ay mga ligtas na espasyo na dapat walang puwang para sa anumang uri ng karahasan. Patuloy nating isusulong ang mga panukalang batas, programa, at polisiya upang itaguyod ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral,” said Gatchalian, emphasizing the urgent need for enactment of a couple of pieces of legislation for such a purpose.

He cited Senate Bill No. 2426, or the Comprehensive School Safety Act, which seeks to strengthen security measures in public schools. Once enacted into law, the measure will mandate the establishment of the National School Safety Framework, which shall prescribe minimum standards for the prevention of, response to, or recovery from threats and incidents relating to school safety.

Gatchalian also cited Senate Bill No. 2424 or the Safe Media Access and Responsible Technology for Kids in Digital Spaces (SMART KIDS) Act, intended to boost the safety and well-being of learners. The approved measure prohibits children below 18 years old from using social media, among other high-risk digital services. Both measures were already approved by the Senate on third and final reading.

“Inaasahan nating tuloy-tuloy ang pagsasabatas ng dalawang panukalang ito para sa mas maayos na proteksyon ng ating mga mag-aaral,” he added.


National School Safety Week: mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan pinatitiyak ni Gatchalian 

Sa gitna ng mga dumarami at lumalalang insidente ng karahasan na kinasangkutan ng mga mag-aaral, iginiit ni Senate President Win Gatchalian ang pangangailangang patatagin ang seguridad ng mga paaralan. Ipinanawagan ito ni Gatchalian sa gitna ng pagdiriwang ng National School Safety Week.

“Ang ating mga paaralan ay mga ligtas na espasyo na dapat walang puwang para sa anumang uri ng karahasan. Patuloy nating isusulong ang mga panukalang batas, programa, at polisiya upang itaguyod ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral,” ani Gatchalian. 

Binigyang diin ng pangulo ng Senado ang agarang pangangailangang maisabatas ang dalawang panukalang magpapalakas sa proteksyon ng mga mag-aaral.

Kabilang dito ang Senate Bill No. 2426 o ang Comprehensive School Safety Act, na naglalayong palakasin ang seguridad sa mga pampublikong paaralan. Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng National School Safety Framework na magtatakda ng minimum standards o pamantayan para sa pag-iwas, pagtugon, at pagbangon mula sa mga banta at insidenteng may kinalaman sa kaligtasan sa mga paaralan.

Binanggit din ni Gatchalian ang Senate Bill No. 2424 o ang Safe Media Access and Responsible Technology for Kids in Digital Spaces (SMART KIDS) Act, na naglalayong palakasin ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral. Ipinagbabawal ng panukala ang sa mga batang wala pang 18 taong gulang ang paggamit ng social media at iba pang high-risk digital services. Pareho nang inaprubahan ng Senado ang dalawang panukala sa huli at ikatlong pagbasa

“Inaasahan nating tuloy-tuloy ang pagsasabatas ng dalawang panukalang ito para sa mas maayos na proteksyon ng ating mga mag-aaral,” dagdag na pahayag ng Senador.

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN