Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Corruption in Gov’t a Major Downside Risk to Economic Growth, Entry of Foreign Investors —Gatchalian

Senate President Win Gatchalian said corruption in government is a major downside risk to the country’s economic growth and deters foreign investors from doing business in the country.

“Dahil sa korapsyon at dahil sa inflation, ang nawala sa ating ekonomiya since second quarter of 2025 is P2.75 trillion in terms of both of actual losses and opportunity losses,” said Gatchalian at a recent hearing on Reinvigorate Investment and Sustainable Economic Growth (RISE).

He said actual losses stem from slower domestic consumption and infrastructure spending by the government while opportunity losses appear as unrealized foreign investments.

Gatchalian flagged data from the Bureau of Investments showing that the bulk of new investments so far this year came from local investors, a reversal of a trend seen a few years back, when foreign investors accounted for the majority of investments coming in. 

Aside from corruption, other vulnerabilities creating downward impact on the country’s economic growth include natural disasters, dependence on imported fuel, and geopolitical tensions, Gatchalian said.

RISE was created by a resolution adopted by the Senate and authored mainly by Gatchalian. ###


Korapsyon sa pamahalaan, isang pangunahing panganib sa paglago ng ekonomiya at pagpasok ng mga dayuhang negosyante —Gatchalian

Sinabi ni Senate President Win Gatchalian na ang korapsyon sa pamahalaan ay isang pangunahing panganib sa paglago ng ekonomiya ng bansa at nagiging dahilan upang hindi magnegosyo rito ang mga dayuhang mamumuhunan.

“Dahil sa korapsyon at dahil sa inflation, ang nawala sa ating ekonomiya mula noong ikalawang quarter ng 2025 ay P2.75 trilyon sa anyo ng k aktwal na pagkalugi at mga nawalang mga opportunities,” sabi ni Gatchalian sa isang nakaraang pagdinig ukol sa Reinvigorate Investment and Sustainable Economic Growth (RISE).

Aniya, ang mga aktwal na pagkalugi ay nagmumula sa mas mabagal na local consumption at government spending para sa  imprastraktura, habang ang mga nawalang pagkakataon naman ay makikita sa mga hindi naisakatuparang dayuhang pamumuhunan.

Binigyang-diin ni Gatchalian ang datos mula sa Bureau of Investments na nagpapakita na ang malaking bahagi ng mga bagong pamumuhunan sa taong ito ay nagmula sa mga lokal na negosyante, isang kabaligtaran sa takbo noong mga nakaraang taon kung kailan ang mga dayuhang mamumuhunan ang bumubuo sa kalakhan ng mga pumapasok na pamumuhunan.

Bukod sa korapsyon, ang iba pang mga kahinaan na nagdudulot ng negatibong epekto sa paglago ng ekonomiya ng bansa ay kinabibilangan ng mga likas na kalamidad, pagdepende sa inaangkat na langis, at mga geopolitical na tensyon, ayon kay Gatchalian.

Ang RISE ay binuo sa pamamagitan ng isang resolusyong pinagtibay ng Senado at pangunahing isinulat ni Gatchalian. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN