The Senate’s approval of a proposed measure, which restricts the use by minors of social media platforms, will boost child protection amidst growing concerns on online safety and influences inciting violent behavior among young people, Senate President Win Gatchalian said.
Under the Safe Media Access and Responsible Technology for Kids in Digital Spaces (SMART KIDS) Act, children below 18 years old shall not be allowed to register, create, access, use, or maintain an account on any high-risk digital service, which includes social networking functions.
“Napapanahon nang sundan natin ang halimbawa ng maraming bansa upang protektahan ang ating mga kabataan mula sa panganib na dulot ng social media at iba pang mga online platforms,” said Gatchalian following the Senate’s approval of the measure on 3rd and final reading.
The bill reiterates that the prohibition is absolute and that parental or guardian consent, authorization or supervision cannot override the restriction.
The approved measure also requires high-risk digital services to deploy robust age-verification systems and immediately remove, suspend, or disable existing accounts held by minors.
The measure, however, excludes legitimate educational platforms and specific low-risk services from the ban.
Gatchalian: SMART KIDS Act, magpapalakas sa online safety ng mga menor de edad
Aprubado na ng Senado sa huli at ikatlong pagbasa ang isang panukalang batas kung saan ipagbabawal sa mga menor de edad ang pag-gamit ng social media. Para kay Senate President Win Gatchalian, mahalagang hakbang ito upang upang higit na maprotektahan ang mga bata, lalo na sa gitna ng lumalaking pangamba sa online safety at mga impluwensyang nagtutulak sa mga kabataang gumawa ng karahasan.
Sa ilalim ng Safe Media Access and Responsible Technology for Kids in Digital Spaces (SMART KIDS) Act, hindi na papayagang mag-register, gumawa, mag-access, gumamit, o magpanatili ng account ang mga batang wala pang 18 taong gulang sa anumang high-risk digital service, kabilang iyong mga may social networking functions.
“Napapanahon nang sundan natin ang halimbawa ng maraming bansa upang protektahan ang ating mga kabataan mula sa panganib na dulot ng social media at iba pang mga online platforms,” pahayag ni Gatchalian matapos aprubahan ng Senado ang naturang panukala.
Bnibigyang-diin ng panukala na ganap ang pagbabawal at hindi ito maaaring lampasan sa pamamagitan ng pahintulot at supervision ng mga magulang o guardian.
Binibigyang mandato rin ng panukalang batas ang mga high-risk digital services na magpatupad ng matatag na age-verification systems at agad na tanggalin, suspindihin, o i-disable ang mga kasalukuyang account na pagmamay-ari ng mga menor de edad.
Gayunpaman, hindi saklaw ng isasagawang paghihigpit ang mga lehitimong educational platforms at ilang partikular na low-risk services.
###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN