Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Senate Ratifies Bicam Report on Basic Ed Voucher Bill; Gatchalian Assures Continued Support to Poor Learners

Senate President Win Gatchalian hailed the Senate’s ratification of the bicameral conference committee report on the Basic Education Voucher Assistance Act (Senate Bill No. 1981 and House Bill No. 4744), which will expand the voucher system for private schools to include all learners in basic education.

The ratified measure provides that qualified learners in private schools will receive financial assistance in the form of vouchers to help address classroom backlog and public school congestion. Under the ratified measure, learners should hail from middle-middle-income households and below, or to equivalent income classifications.

The amount of vouchers shall be deemed sufficient to ensure reasonable access to private basic education. The Department of Education shall determine the amount of vouchers based on commissioned research. The amount shall be reviewed at least every three years to account for inflation. Learners from poor and low-income households, however, shall receive a higher voucher amount.

“Sa pagpapalawak ng voucher system, matutugunan natin ang kakulangan sa mga silid-aralan at siksikan sa mga pampublikong paaralan, habang tinitiyak ang paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral,” said Gatchalian. 


Gatchalian: Bicam Report sa Basic Education Voucher Bill Ratipikado na ng Senado 

Ratipikado na ng Senado ang bicameral conference committee report ng Basic Education Voucher Assistance Act (Senate Bill No. 1981 and House Bill No. 4744), isang panukalang magpapalawak sa voucher system para sa mga pribadong paaralan upang masaklaw ang lahat ng mga mag-aaral sa basic education.

Ikinagalak ni Senate President Win Gatchalian ang ratipikasyon ng panukalang batas, kung saan makatatanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng vouchers ang mga kwalipikadong mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan. Layon nitong makatulong sa pagtugon sa kakulangan ng mga silid-aralan at siksikan sa mga pampublikong paaralan. Kabilang sa magiging mga benepisyaryo ang mga mag-aaral mula sa middle-middle-income households pababa, o sa mga katumbas na income classifications.

Nakasaad sa ratipikadong panukala na dapat sapat ang halagang katumbas ng vouchers upang  magkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapasok sa mga pribadong paaralan. Ang Department of Education (DepEd) ang magtatakda ng halaga ng vouchers batay sa pananaliksik. Susuriin din ang halaga nito kada tatlong taon upang maisaalang-alang ang inflation.

Makakatanggap naman ng mas mataas na voucher amount ang mga mag-aaral mula sa poor at low-income households upang matiyak na mas malaki ang suportang mapupunta sa mga higit na nangangailangan.

“Sa pagpapalawak ng voucher system, matutugunan natin ang kakulangan sa mga silid-aralan at siksikan sa mga pampublikong paaralan, habang tinitiyak ang paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral,” ani Gatchalian. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN