Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Approved on Third Reading: School Safety Bill to Address Escalating Violence Says Gatchalian

Senate President Win Gatchalian said the Senate’s Third Reading approval of the Comprehensive School Safety Act (Senate Bill No. 2426) marks an important step toward strengthening school safety amid escalating violent incidents involving learners.

“Hindi karahasan ang dapat maging kapalit ng ating hangaring makapag-aral ang bawat bata. Nakakalungkot isipin na umabot na sa ganito ang sitwasyon sa mga paaralan — mga lugar na dapat ay ligtas, mapayapa, at nakalaan para sa pagkatuto at paghubog ng kinabukasan ng ating mga kabataan,” Gatchalian said. 

The approved measure mandates the Department of Education (DepEd), in coordination with various government agencies, local government units (LGUs), and other stakeholders, to establish the National School Safety Framework, which shall prescribe minimum standards for the prevention of, response to, or recovery from threats and incidents relating to school safety.

Gatchalian also pointed out that the approved measure reflects his previous proposal to ban the use of mobile devices and portable electronic gadgets within school premises during instructional hours.

The approved measure also mandates schools to develop their School Safety Plans, which shall be updated every three years, to operationalize the National School Safety Framework. 


Gatchalian: School Safety Bill Aprubado na ng Senado sa Third Reading  

Aprubado na ng Senado sa huli at ikatlong pagbasa ang Comprehensive School Safety Act (Senate Bill No. 2426), isang panukalang batas na ayon kay Gatchalian ay magpapalakas ng kaligtasan ng mga paaralan sa gitna ng lumalalang mga insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng mga mag-aaral.

“Hindi karahasan ang dapat maging kapalit ng ating hangaring makapag-aral ang bawat bata. Nakakalungkot isipin na umabot na sa ganito ang sitwasyon sa mga paaralan — mga lugar na dapat ligtas, mapayapa, at nakalaan para sa pagkatuto at paghubog ng kinabukasan ng ating mga kabataan,” ani Gatchalian.

Sa ilalim ng inaprubahang panukala, magiging mandato sa Department of Education (DepEd), katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, local government units (LGUs), at iba pang stakeholders, na bumuo ng National School Safety Framework. Magtatakda ito ng mga pamantayan para sa pag-iwas, pagtugon, at pagbangon mula sa mga banta at insidenteng may kaugnayan sa kaligtasan sa paaralan.

Binigyang-diin din ni Gatchalian na nakapaloob sa aprubadong panukala ang dati niyang panukalang ipagbawal ang paggamit ng mobile devices at portable electronic gadgets sa loob ng mga paaralan sa oras ng klase. 

Inaatasan din ng panukala ang mga paaralan na bumuo ng kani-kanilang School Safety Plans, na dapat i-update kada tatlong taon, upang maisakatuparan ang National School Safety Framework. 

# # #

Photo by Mark Cayabyab / OSP WIN GATCHALIAN