Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Warns of Learning Loss Amid Weather-Related Class Disruptions; Seeks More Localized Suspensions

 Senate President Win Gatchalian urged more localized and targeted class suspensions instead of blanket, system-wide declarations, emphasizing the need to prevent learning loss amid repeated weather-related disruptions to face-to-face instruction.

“This is concerning. While we know that class suspensions seek to ensure the safety of learners and teachers, widespread disruption to classes can aggravate learning loss,” Gatchalian said, noting that classes should be allowed to continue in unaffected schools or areas. 

During the last 30 days, class suspensions disrupted face-to-face learning in various parts of the Philippines for at least 20 weekdays. A study by the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) also found that in the last two years, an average of 30 to 50 class days out of the 180-day school calendar were lost due to class suspensions.

“Bagama’t tinitiyak natin ang kapakanan ng ating mga mag-aaral tuwing may kalamidad, kailangan din nating tiyaking magpapatuloy ang edukasyon sa mga ligtas na lugar,” he said. 

Under the 21st Century School Boards Act (Senate Bill No. 53) Gatchalian is also proposing to make local school boards responsible for timely, organized, and localized interventions in the delivery of basic education in times of disasters, calamities, and emergencies. 


Gatchalian Nagbabala ng ‘Learning Loss’ Dahil sa Class Suspensions; Nananawagan ng ‘Localized Suspension’ 

Nanawagan si Senate President Win Gatchalian na gawing mas localized at targeted ang pagsususpinde ng klase sa halip na ‘system-wide’ ang suspensyon. Aniya, mahalagang maiwasan ang learning loss lalo na’t paulit-ulit na naaantala ang face-to-face classes dahil sa masamang panahon.

“Nakababahala na! Naiintindihan natin na kailangang unahin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro, pero kapag masyadong malawak ang suspensyon ng klase, maaari nitong palalain ang learning loss,” ani Gatchalian. Kung ligtas naman aniya ang isang lugar, dapat payagang magpatuloy ang klase sa mga paaralan o lugar na hindi apektado ng masamang panahon.

Sa nakalipas na 30 araw, umabot sa halos 20 araw na face-to-face learning ang naantala sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa mga suspensyon ng klase. Ayon din sa pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), nasa average na 30 hanggang 50 araw ng klase mula sa 180-araw na school calendar ang nawawala kada taon dahil sa class suspensions sa nakalipas na dalawang taon.

“Bagama’t kailangang unahin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral tuwing may kalamidad, kailangan din nating tiyaking tuloy ang edukasyon sa mga lugar na ligtas naman para magpatuloy ang klase,” sabi ni Gatchalian.

Sa ilalim ng 21st Century School Boards Act (Senate Bill No. 53), isinusulong din ni Gatchalian na bigyan ng responsibilidad ang mga local school board na tiyaking mabilis, maayos, at nakaangkop sa pangangailangan ng bawat lugar ang mga hakbang para maipagpatuloy ang basic education tuwing may sakuna, kalamidad, o emergency. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN