As we honor the men and women whose sacrifices secured our freedom, sovereignty, and democracy, let us remember that their legacy calls on us to continue building a better nation. Magiging mas makabuluhan ang sakripisyo ng ating mga bayani kung bawat isa sa atin ay maglilingkod sa pamilya, komunidad, at bayan nang may integridad, katapatan, at malasakit.
Sa gitna ng mga problemang kinakaharap ng bansa — tulad ng pagbaha, korapsyon sa gobyerno, mga hamon sa kalidad ng edukasyon, at mataas na presyo ng pagkain at kuryente — sama-sama nating pangalagaan ang kaban ng bayan at tiyaking bawat programa ng pamahalaan ay maayos, tapat, at tunay na nagsisilbi sa bawat pamilyang Pilipino. Isang mapagpalang Araw ng mga Bayani!
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN