Senate President Win Gatchalian hailed the Senate’s third reading approval of a measure that he co-authored strengthening protections against hospital detention due to unpaid bills.
The proposed measure, Senate Bill. No. 1511 which amends Republic Act No. 9439, extends these protections to relatives, representatives, caregivers of patients, and newborn children.
The bill defines detention as the restraining of a patient, relative, representative, caregiver, newborn, or deceased person from leaving or being released from a hospital, medical clinic, or other similar facilities on the ground of nonpayment, in full or in part, of hospital bills, medical expenses, or professional fees.
Acts of detention include refusing to physically discharge a patient or release documents for discharge, interment, or benefit claims. It also covers refusing to remove medical devices, release personal belongings, or release the remains of a deceased patient.
“Itinataguyod natin ang kapakanan ng mga pasyente at kanilang mga pamilya sa ating pagsisikap na tuluyang ipagbawal ang hospital detention dahil sa mga hindi nababayarang hospital bills,” Gatchalian said.
Patients admitted to private rooms shall not be covered by this Act, unless they were placed in a private room despite expressly requesting a non-private room.
Gatchalian: Mas Matatag na Proteksyon Laban sa ‘Hospital Detention’ Aprubado na ng Senado
Pinuri ni Senate President Win Gatchalian ang pag-apruba ng Senado sa ikatlong pagbasa ng panukalang batas, kung saan isa siya sa mga co-author, na magbibigay ng mas matibay na proteksyon laban sa ‘hospital detention’ dahil sa mga hindi pa nababayarang hospital bills.
Palalawakin ng Senate Bill No. 1511, na nag-aamyenda sa Republic Act No. 9439, ang saklaw ng proteksyon sa mga pasyente upang isama ang kanilang mga kamag-anak, sinumang kinatawan, caregiver ng mga pasyente, at bagong silang na sanggol.
Sa ilalim ng panukalang batas, itinuturing na ‘detention’ ang pagpigil sa isang pasyente, kamag-anak, kinatawan, caregiver, newborn, o yumao na makaalis o ma-release mula sa isang ospital, medical clinic, at iba pang katulad na pasilidad dahil sa hindi nababayarang hospital bills o anumang gastusing medikal, at professional fees.
Kabilang sa mga itinuturing na ‘hospital detention’ ang pagtangging i-discharge ang isang pasyente o ilabas ang mga dokumentong kailangan para sa pag-discharge, pagpapalibing, o pagkuha ng benepisyo. Maituturing ding ‘detention’ ang pagtangging alisin ang medical devices, hindi pagsasauli ng mga personal na gamit, o pag-release sa mga labi ng isang yumaong pasyente.
“Itinataguyod natin ang kapakanan ng mga pasyente at kanilang mga pamilya sa ating pagsisikap na tuluyang ipagbawal ang hospital detention dahil sa mga hindi nababayarang hospital bills,” pahayag ni Gatchalian.
Hindi saklaw ng batas ang mga pasyenteng naka-admit sa private rooms, maliban kung inilagay sila sa private room kahit malinaw silang humiling ng non-private room.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN