Amidst persistent monsoon rains in parts of the country, Senate President Win Gatchalian pressed the importance of constructing permanent evacuation centers in cities and municipalities.
Gatchalian’s call is consistent with the Ligtas Pinoy Centers Act, which mandated the establishment of evacuation centers in all cities and municipalities. These centers shall provide immediate and temporary evacuation for people displaced by disasters and other emergencies.
According to the Department of Education (DepEd), 522 classrooms in 134 schools accommodate 2,815 families. Gatchalian pointed out, however, that when cities and municipalities have their own evacuation centers, classrooms and other school facilities need not be used to provide temporary shelters for disaster-affected families.
The Senate leader also pointed out that using classrooms as evacuation centers can delay the safe resumption of classes after disasters.
“Ipinasa natin ang Ligtas Pinoy Centers Act upang tiyaking may ligtas na mapupuntahan ang ating mga kababayang nasalanta ng mga kalamidad. Kailangang tiyakin nating maipapatayo ang mga evacuation centers alinsunod sa mandato ng batas para sa kaligtasan ng ating mga kababayan,” said Gatchalian, co-author and co-sponsor of the law.
Pagpapatayo ng Evacuation Centers sa Bawat Lungsod, Munisipalidad Iginiit ni Gatchalian
Sa gitna ng patuloy na pananalasa ng habagat sa ilang bahagi ng bansa, binigyang-diin ni Senate President Win Gatchalian ang kahalagahan ng pagpapatayo ng permanent evacuation centers sa mga lungsod at munisipalidad.
Naaayon ang panawagan ni Gatchalian sa Ligtas Pinoy Centers Act, na nag-aatas sa pagtatatag ng evacuation centers sa lahat ng lungsod at munisipalidad. Magbibigay ang mga center na ito ng agaran at pansamantalang silungan para sa mga taong lumikas dahil sa mga kalamidad at iba pang sakuna.
Iniulat ng Department of Education (DepEd) na 522 classrooms sa 134 na paaralan ang ginagamit ng 2,815 pamilya. Kung may sariling evacuation centers ang mga lungsod at munisipalidad, hindi na kailangang gamitin ang classrooms at iba pang school facilities bilang pansamantalang matutuluyan ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad, giit ni Gatchalian.
Binigyang-diin din ng Pangulo ng Senado na maaaring maantala ang ligtas na pagpapatuloy ng mga klase pagkatapos ng mga kalamidad kapag ginagamit ang mga silid-aralan bilang evacuation centers.
“Ipinasa natin ang Ligtas Pinoy Centers Act upang tiyaking may ligtas na mapupuntahan ang ating mga kababayang nasalanta ng mga kalamidad. Kailangang tiyakin nating maipapatayo ang mga evacuation centers alinsunod sa mandato ng batas para sa kaligtasan ng ating mga kababayan,” pahayag ni Gatchalian, co-author at co-sponsor ng batas.
# # #

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN