Win Tayong Lahat

WIN sa balita

National Electrification Month: Gatchalian Urges NEA to Achieve Full Electrification by 2028 

As Filipino families continue to grapple with high electricity costs, Senate President Win Gatchalian said making power more affordable for consumers must go hand in hand with ensuring universal access to electricity.  

Marking National Electrification Awareness Month this August, Gatchalian urged the National Electrification Administration (NEA) to complete the government’s rural electrification program by 2028, emphasizing that millions of Filipinos remain without electricity. He noted that, as of June last year, nearly 3 million Filipino households still had no access to electricity. 

The NEA has been allotted P13.16 billion this year, including P9.342 billion for the National Rural Electrification Program and P2.6 billion in loans to electric cooperatives.  

“Hindi katanggap-tanggap na mayroon pa tayong mga kababayan na wala pang kuryente sa panahon ng digital age. Binigyan natin ng sapat na suporta sa budget ang programang ito sa loob ng maraming taon kaya’t dapat lang na magkaroon ng kuryente ang lahat ng Pilipino sa lalong madaling panahon,” Gatchalian said.

Reliable electricity for every Filipino household is crucial to improving lives and lowering long-term power costs by expanding access and strengthening the distribution network. 


National Electrification Month: Gatchalian Hinimok ang NEA ng ‘Full Electrification’ sa 2028 

Habang patuloy na pinapasan ng mga pamilyang Pilipino ang mataas na presyo ng kuryente, sinabi ni Senate President Win Gatchalian na ang pagpapababa ng singil nito ay dapat kasabay ng pagtiyak na ang lahat ay may kuryente. 

Sa paggunita ng National Electrification Awareness Month ngayong Agosto, hinimok ni Gatchalian ang National Electrification Administration (NEA) na tapusin ang programa ng pamahalaan sa rural electrification pagdating ng 2028. Aniya, milyong-milyong Pilipino pa rin ang walang kuryente. Partikular noong Hunyo ng nakaraang taon, sinabi ng senador na halos 3 milyong pamilyang Pilipino pa ang walang kuryente.

Ang NEA ay nabigyan ng pondong P13.16 bilyon ngayong taon, kabilang ang P9.342 bilyon para sa National Rural Electrification Program at P2.6 bilyon na pautang sa mga electric cooperative.

“Hindi katanggap-tanggap na mayroon pa tayong mga kababayan na wala pang kuryente sa panahon ng digital age. Binigyan natin ng sapat na suporta sa budget ang programang ito sa loob ng maraming taon kaya’t dapat lang na magkaroon ng kuryente ang lahat ng Pilipino sa lalong madaling panahon,” pagdidiin ni Gatchalian.

Ang maaasahang kuryente para sa bawat pamilyang Pilipino ay napakahalaga upang mapabuti ang pamumuhay at mapababa ang pangkalahatang gastos sa kuryente sa pamamagitan ng pagpapalawak ng access dito at pagpapatibay ng pamamahagi nito. 

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN