Amid persistently high inflation in July, Senate President Win Gatchalian underscored the urgent need to implement the P85 wage increase in the National Capital Region, citing the Senate’s unanimous call for its immediate rollout.
The country’s inflation rate in July stood at 6.2%, driven largely by rising fuel and electricity costs, remaining above the Bangko Sentral ng Pilipinas’ 2% to 4% target range. Gatchalian stressed that delays in wage adjustments further erode workers’ purchasing power.
Senators unanimously adopted Resolution No. 59, expressing the sense of the Senate in support of appeals to immediately lift the temporary restraining order (TRO) on the implementation of Wage Order No. NCR-27 and urging judicial restraint in matters of wage-setting.
“Ang malinaw, iisa ang posisyon ng Senado — kailangang maipatupad agad ang dagdag sahod, lalo na sa gitna ng tumataas na inflation,” Gatchalian said.
“Kung kinaya nating ipasa ang mas mataas na wage hike noon sa mas kalmadong sitwasyon na wala pang giyera sa Iran at mas mababa ang presyo ng langis, mas kinakailangan ito ngayon upang matulungan ang ating mga manggagawa,” he added.
The Pasig RTC earlier issued a TRO suspending the implementation of the wage increase.
Gatchalian: Mataas na Inflation, Nagkakaisang Senado Dahilan sa Panawagang Ibasura ang TRO sa Wage Hike
Sa gitna ng patuloy na mataas na inflation nitong nagdaang Hulyo, binigyang-diin ni Senate President Win Gatchalian ang matinding pangangailangan na maipatupad ang P85 na dagdag-sahod sa National Capital Region, habang nagkakaisa ang panawagan ng Senado para sa agarang pagpapatupad nito.
Noong Hulyo, pumatak sa 6.2% ang inflation rate ng bansa, na pangunahing dulot ng pagtaas ng presyo ng langis at kuryente, at nananatiling mas mataas sa target na 2% hanggang 4% ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ayon kay Gatchalian, kapag naaantala ang pagtaas ng sahod, lalo lang nababawasan ang purchasing power o kakayahan ng mga manggagawa na makabili ng kanilang mga pangangailangan.
Nagkakaisang pinagtibay ng mga senador ang Resolution No. 59, na nagpapahayag ng paninindigan ng Senado bilang suporta sa mga apela na agad alisin ang temporary restraining order (TRO) sa pagpapatupad ng Wage Order No. NCR-27 at humihimok sa hudikatura na huwag nang hadlangan ang pagtaas ng sahod.
“Ang malinaw, iisa ang posisyon ng Senado — kailangang maipatupad agad ang dagdag sahod, lalo na sa gitna ng tumataas na inflation,” pahayag ni Gatchalian.
“Kung kinaya nating ipasa ang mas mataas na wage hike noon sa mas kalmadong sitwasyon na wala pang giyera sa Iran at mas mababa ang presyo ng langis, mas kinakailangan ito ngayon upang matulungan ang ating mga manggagawa,” dagdag pa niya.
Una nang naglabas ng TRO ang Pasig RTC na nagpapasuspinde sa pagpapatupad ng nasabing dagdag-sahod.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN