Win Tayong Lahat

WIN sa balita

Gatchalian Pushes Use of Special Education Fund for School Security Amid Rising Campus Violence 

Amid a disturbing rise in violent incidents in schools, Senate President Win Gatchalian is pushing to allow the use of the Special Education Fund (SEF) to hire security personnel and better protect learners.

Under the proposed 21st Century School Boards Act (Senate Bill No. 53), Gatchalian seeks to expand the allowable use of SEF, which is traditionally limited to classrooms and facilities, to include safety measures such as deploying trained security guards. 

The measure also strengthens the role of local government units (LGUs) in addressing urgent education needs.

Gatchalian emphasized that his proposal comes in the wake of recent incidents of school-related violence, the latest of which involved a 14-year-old learner from Las Piñas National High School fatally stabbing his 13-year-old classmate. 

“Hindi na sapat ang pader at silid-aralan kung walang katiyakan ang kaligtasan ng ating mga estudyante. Kung may pondo para sa edukasyon, dapat paglaanan din natin ng pondo ang pagpapanatili ng seguridad sa mga paaralan dahil walang matututunan ang batang takot sa loob ng kanyang silid-aralan,” Gatchalian stressed.

Amendments to the Local Government Code (Republic Act No. 7160) to expand SEF use form part of the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority agenda.


Paggamit sa Special Education Fund Para sa Seguridad ng mga Paaralan Isinusulong ni Gatchalian

Sa gitna ng sunod-sunod na mga insidente ng karahasan sa mga paaralan, isinusulong ni Senate President Win Gatchalian na pahintulutan ang paggamit sa Special Education Fund (SEF) sa pagkuha ng security personnel upang maprotektahan ang mga mag-aaral sa mga paaralan. 

Sa ilalim ng panukalang 21st Century School Boards Act (Senate Bill No. 53) na kanyang inihain, iminungkahi ni Gatchalian na palawakin ang saklaw ng paggamit sa SEF na karaniwang ginagamit sa mga silid-aralan at pasilidad. Sa ganitong paraan, magagamit ng mga lokal na pamahalaan ang SEF sa pag-deploy ng mga security guards na may sapat na pagsasanay.

Pinalalakas din ng panukala ang papel ng local government units (LGUs) sa pagtugon sa mga agarang pangangailangan sa edukasyon.

Binigyang diin ni Gatchalian ang kanyang panukala sa gitna ng mga sunod-sunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan. Sa pinakahuling insidente, sinaksak hanggang sa mamatay ng isang 14-anyos na mag-aaral mula sa Las Piñas National High School ang kanyang 13-anyos na kaklase.

“Hindi na sapat ang pader at silid-aralan kung walang katiyakan ang kaligtasan ng ating mga estudyante. Kung may pondo para sa edukasyon, dapat paglaanan din natin ng pondo ang pagpapanatili ng seguridad sa mga paaralan dahil walang matututunan ang batang takot sa loob ng kanyang silid-aralan,” giit ni Gatchalian.

Kabilang sa priority agenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang mga amyenda sa Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code upang palawakin ang paggamit ng SEF.

###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN