Senate President Win Gatchalian said he expects the State of the Nation Address (SONA) to report on the progress of implementing the historic 2026 education budget, the largest in the country’s history and the first to meet the United Nations’ recommended benchmark for education spending.
“Naglaan tayo ng makasaysayang pondo para sa edukasyon upang masugpo natin ang malawakang krisis na hinaharap ng sektor na ito. Inaasahan nating sa darating na SONA, malinaw na maiuulat sa atin kung ano na ang narating natin at ano pa ang ating aasahan para tugunan ang krisis sa edukasyon,” said Gatchalian.
The 2026 education budget includes a P67.9-billion allocation for the construction of at least 22,000 classrooms. As of July 2025, the classroom backlog stands at around 147,000 classrooms. This year’s budget also covers the P12.3-billion funding deficiency in the free higher education program incurred from 2022 to 2025.
During his stint as Chairman of the Senate Committee on Finance, Gatchalian ensured that the 2026 budget met the United Nations’ recommendations of allotting four to six percent of Gross Domestic Product (GDP) for education spending. The 2026 budget’s P1.35 trillion education budget is equivalent to 4.4% of GDP.
SONA 2026: Estado ng Paggamit ng Makasaysayang Pondo sa Edukasyon Nais Mapakinggan ni Gatchalian
Inaaasahan ni Senate President Win Gatchalian na iuulat sa State of the Nation Address (SONA) ang estado sa paggamit ng makasaysayang pondo sa sektor ng edukasyon para sa taong 2026 — ang pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa at ang kauna-unahang umabot sa pamantayan ng United Nations para sa paglalaan ng pondo sa edukasyon.
“Naglaan tayo ng makasaysayang pondo para sa edukasyon upang masugpo natin ang malawakang krisis na hinaharap ng sektor na ito. Inaasahan nating sa darating na SONA, malinaw na maiuulat sa atin kung ano na ang narating natin at ano pa ang ating aasahan para tugunan ang krisis sa edukasyon,” pahayag ni Gatchalian.
Kabilang sa 2026 education budget ang P67.9 bilyong pondo para sa pagpapatayo ng hindi bababa sa 22,000 silid-aralan. Noong Hulyo 2025, umabot sa humigit-kumulang 147,000 silid-aralan ang kulang na silid-aralan sa bansa. Pupunan din ng budget ngayong taon ang P12.3 bilyong funding deficiency na naipon ng free higher education program mula 2022 hanggang 2025.
Sa kanyang panunungkulan bilang Chairman ng Senate Committee on Finance, tiniyak ni Gatchalian na masusunod ng 2026 budget ang rekomendasyon ng United Nations na maglaan ng katumbas ng apat hanggang anim na porsyento ng Gross Domestic Product (GDP) para sa sektor ng edukasyon. Katumbas ng 4.4% ng GDP ang P1.35 trilyong education budget para sa 2026.
###

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN