Senate President Win Gatchalian urged the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) to invest in grid modernization to enable flexibility given the expected increase in renewable energy (RE) capacity and the country’s transition to electric vehicles (EVs).
“A more efficient and flexible power system is key to ensuring stable and affordable electricity. Ngayon at nag-anunsiyo na naman ang Meralco ng dagdag singil sa electricity bill kasunod ng pagtaas ng generation cost dahil sa mahal na krudo at buwis, mas lalong mahalaga ang modernisasyon ng grid upang mabawasan ang hindi episyenteng pamamalakad at mapababa ang gastos sa kuryente sa pangmatagalan,” Gatchalian said.
The senator explained that modernized grids integrate decentralized energy resources (DERs) such as residential solar panels and EV charging stations, allowing consumers to draw power and feed excess power back into the grid. A modernized grid is also capable of rerouting excess renewable power generated during peak hours into large-scale battery systems for later use, he said.
Modernized grids, he added, improve efficiency, reduce power losses, and enable better electricity delivery.
“Sa huli, ito ang susi para maging mas matatag at mas abot-kaya ang suplay ng kuryente,” he said.
Gatchalian Nanawagan sa NGCP na Pabilisin ang Modernisasyon ng Grid sa Gitna ng Tumataas na Gastos sa Kuryente
Nanawagan si Senate President Win Gatchalian sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na pabilisin ang modernisasyon ng power grid upang maging mas handa ito sa inaasahang pagdami ng renewable energy (RE) projects at sa unti-unting paglipat ng bansa sa paggamit ng electric vehicles (EVs).
“Ang mas episyente at mas flexible na power system ang susi para matiyak na magiging matatag at abot-kaya ang presyo ng kuryente. Ngayong nag-anunsiyo na naman ang Meralco ng panibagong dagdag-singil sa kuryente dahil sa pagtaas ng generation cost bunsod ng mahal na krudo at mas mataas na buwis, mas lalong mahalagang pabilisin ang modernisasyon ng ating power grid. Sa ganitong paraan, mababawasan ang mga hindi episyente sa sistema at mapapababa ang gastos sa kuryente sa pangmatagalan,” ani Gatchalian.
Ipinaliwanag ng senador na sa pamamagitan ng makabagong power grid, mas madaling maisasama sa power system ang mga decentralized energy resources (DERs) gaya ng mga solar panel sa mga bahay at mga EV charging station. Dahil dito, hindi lamang makakakuha ng kuryente ang mga konsyumer mula sa grid, kundi maaari ring maibalik dito ang sobrang kuryenteng nalilikha.
Ayon pa sa senador, kayang ilipat ng isang makabagong power grid ang sobrang renewable energy na nalilikha sa oras ng mataas na produksyon patungo sa malalaking battery storage system upang magamit kapag mas mataas na ang demand sa kuryente.
Dagdag pa niya, ang makabagong power grid ay makatutulong upang mapataas ang kahusayan ng sistema, mabawasan ang power losses, at maging mas maayos ang paghahatid ng kuryente sa mga konsyumer.
“Sa huli, ito ang susi para magkaroon tayo ng mas matatag, mas maaasahan, at mas abot-kayang suplay ng kuryente,” ani Gatchalian.
# # #

Photo by Mark Cayabyab / OS WIN GATCHALIAN